top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ellen, ibinuyangyang ang seksing katawan… DEREK, IDINISPLEY NAMAN ANG PUWET

BULGAR
May 30, 2021
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 30, 2021




Iba rin talaga ang trip ng magdyowang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, 'no!


Pagkatapos nga nilang mag-post ng kanilang "acrobatic loving-loving" sa Instagram kung saan napa-sana all na lang ang halos lahat ng nakakita sa kanilang most challenging pose, ngayon naman, tipong may showdown sina Derek at Ellen sa pagpapakita ng kani-kanilang mouth-watering (or nakakapanglaway? Hehe!) body figure.


Unang nag-post si Ellen sa kanyang IG account ng selfie mirror pic niya kung saan naka-panty at bra lang siya, at in fairness, parang walang Elias Modesto na nanggaling sa katawan ni Ellen sa kanyang kaseksihan, ha?!


Kahapon, 'di nagpakabog si Derek at ito naman ang nag-post ng kanyang "traydor picture" (traydor picture raw talaga, oh?) dahil nakatalikod siya sa camera habang hubo't hubad na nagsa-shower at kitang-kita siyempre ang toned body figure niya, pati ang half ng kanyang wetpaks na may malaking tattoo sa bandang itaas ng puwet.


Oh, 'di ba, tipong ang motto ng magdyowa is… "Sharing is caring!"


'Yan ang paayuda nila sa mga nagugutom. Charot!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page