ELLEN, BITBIT ANG ANAK SA ROAD TRIP NILA NI DEREK
- BULGAR

- Feb 20, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | February 20, 2021

Nasa IG Stories ni Derek Ramsay ang picture nila ni Ellen Adarna kasama ang anak ng aktres na si Elias Modesto at may caption na: “Road Trip!!!”
Nakita namin sa litrato, silang tatlo ang malinaw ang mga mukha, pero may kasama silang nakaupo sa likod ng kotse, hindi lang makita ang mukha at katawan.
Baka sabihin ng mga netizens na ang IG Stories nina Derek, Ellen at Elias ang sagot ng aktor sa pasabog na post ni Andrea Torres kahapon kung saan suot ng aktres ang white body suit-tee.
Malaking bagay talaga na neighbors sina Derek at Ellen dahil mabilis silang magkayayaan kapag gusto nilang mag-road trip o basta mag-relax muna.





Comments