ELLEN, AMINADONG MAS GUMANDA ANG BUHAY DAHIL KAY DEREK
- BULGAR
- Apr 8, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | April 8, 2021

Daddy na daddy na si Derek Ramsay sa anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz dahil pati sa swimming, ang dalawa ang magkasama. Sa swimming pool ng bahay ni Derek nag-swimming si Elias at mga pamangkin ni Derek at sa mga lumabas na video, makikita ang closeness ng “men in Ellen’s life.”
May larawan pa ang dalawa sa tabi ng pool na yakap ni Derek si Elias. Ang ganda ng eksenang ‘yun at walang duda na mahal ni Derek ang anak ni Lloydie.
Samantala, tiyak na kinilig si Derek sa pahayag ni Ellen sa Cosmo na “I was already complete. And then when Derek came, he just made it better, more beautiful.”
Ipinost ni Derek sa kanyang IG Story ang pahayag na ito ni Ellen.





Comments