ni Julie Bonifacio @Winner | December 12, 2023
Bago pa man ang breakup ng mga sikat na celebrity couples this year, nauna nang naghiwalay sina Elisse Joson at McCoy de Leon. Halos pagpistahan din ang hiwalayan nila, pero buti na lang at nagkaayos din sina McCoy at Elisse.
Kaya noong matsika namin ang dalawa sa 18th anniversary ng CV Advanced Skin Clinic, kung saan pareho silang endorsers ng beauty business na pag-aari ni Cathy Valencia, napag-usapan ang nangyaring breakup nila noon.
“Yeah, kaya,” bitin na sagot ni Elisse when asked sa hiwalayan nila ni McCoy dati.
“Kaya…prayers. Hahaha!” sabay tawa nina Elisse at McCoy sa red carpet sa labas ng Marriot Ballroom kung saan ginanap ang double celebration ng birthday ni Cathy Valencia at anniversary ng kanyang beauty clinic.
Tinanong din namin ang dalawa kung paano nila na-handle ang sitwasyon at paano sila nagkaayos.
“Uh, sabi nga po namin, nasa bawat isa po ‘yan talaga, eh. How you really want it to work or if you choose to decide to separate ways, nasa sa inyo po talaga ‘yun nakasalalay,” paliwanag ni Elisse.
Nalungkot daw sila nu’ng mabalitaan nila ang breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
“We’re actually fans. We’re actually one of the fans who got sad (due) to what happened,” lahad ni Elisse.
Say naman ni McCoy, “Ako, fan. Lahat naman halos, nalungkot. Ako, nalungkot, personally. Pero sabi ko, wala, eh, ganu'n talaga ang buhay.
“Binibiro natin, pray. Pero seryoso, ang Diyos talaga ang pinakatatakbuhan natin. Saka, relasyon talaga, kahit sino namang tao, hindi po talaga madali para sa akin.”
Pahabol pa ni Elisse, “Let’s pray po for both parties. As much as possible, let’s try to respect both.”
Samantala, isang gabi ng beauty and glamour ang pumuno sa ballroom ng Marriot dahil sa mga sikat na celebrity endorsers ni Cathy Valencia.
It was a night of fun, entertainment and full of prizes and surprises as Ms. Cathy Valencia announces new product innovations for Cathy Valencia Advanced Skin Clinic and their expansion programs.
Our congratulations to Ms. Cathy!
Comments