top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ekslusibong Seminar Para Sa Overseas Filipino Workers (OFWs)

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 27, 2021



Dear Chief Acosta,

Pumunta ako sa landbased overseas recruitment agency para maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Subalit, ipinaalam sa akin na bago ako makakuha ng trabaho sa ibang bansa ay dapat muna akong magbayad at sumailalim sa seminar sa kanilang partner institution, at bawal diumano akong pumili ng ibang kukuhanan nito. Ako rin diumano ang dapat magbayad para sa naturang seminar. May batas ba tungkol dito? - Joanne


Dear Joanne,

Ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 3(e), Rule IV ng Implementing Rules ng Republic Act (R.A.) No. 10022, kung saan nakasaad ang sumusunod:


“Sec. 3. Other Prohibited Acts.


In addition to the acts enumerated above, it shall also be unlawful for any person or entity to commit the following prohibited acts: xxx e. Impose a compulsory and exclusive arrangement whereby an OFW is required to undergo training, seminar, instruction or schooling of any kind only from specifically designated institutions, entities or persons, except for recommendatory training mandated by principals/ship owners where the latter shoulder the cost of such trainings;”


Ayon sa nasabing batas, pinagbabawal ang pagpataw ng sapilitan at eksklusibong alituntunin kung saan ang overseas Filipino worker (OFW) ay kinakailangang sumailalim ng training, seminar, instruction o anumang uri ng schooling mula lamang sa iisa o partikular na institusyon, entity, o katauhan, maliban sa mga recommendatory training na pinapakuha ng mga principal/ship owner na kung saan babayaran ng nasabing principal o ship owner ang halaga nito.


Sa inyong sitwasyon, malinaw na hindi nararapat na kayo ay pilitin na kumuha ng seminar sa isang partner institution ng inyong recruitment agency at wala na kayong pwedeng pagpilian pang ibang kukuhanan nito, at kung saan kayo pa ang magbabayad ng halaga ng inyong seminar. Isa itong "prohibited act" na pinagbabawal ng Migrant Workers Act at ng Implementing Rules nito.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page