Eh, sino ba ang may sala? AKTOR-PULITIKO, 'DI NATIIS ANG WEIRD AT TOPAKING GF NA AKTRES,
HINIWALAYAN, BEAUTY QUEEN ANG BAGONG LABS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 20, 2021
BLIND ITEM:
Marami ang labis na nanghinayang nang mag-break ang actor-politician at ang actress na ilang taong naging magkarelasyon. Wife material pa naman daw ang mahusay na aktres at disente ang pagkatao. Hindi ito maluho at hindi mahilig sa gimmicks at party.
Tahimik ang aktres at hindi masyadong mabarkada. May pagka-loner nga ito at homebody. Bagay daw sila ng nobyong actor-politician dahil may pagka-conservative rin ang pamilya ng guy.
Tumagal nang ilang taon ang relasyon ng dalawa. Akala ng marami ay mauuwi na sa kasalan ang lahat. Tanggap kasi ng pamilya ng actor-politician ang magaling na aktres.
Pero, laking-gulat ng lahat nang mabalitang break na ang magkasintahan. Ang actor-politician ay nakatagpo ng bagong pag-ibig na isang beauty queen at agad niyang pinakasalan kahit ilang buwan pa lang silang naging magkarelasyon.
Labis na ipinagtataka ng mga kaibigan ng actor-politician kung bakit inayawan niya ang aktres na matagal niyang naging nobya. Nalaman na lang ng lahat na hindi na nakatiis at hindi na natagalan ng actor ang pagka-weird ng aktres.
May ugali raw ito na sumpungin (sala sa lamig, sala sa init), mahirap ispelengin ang takbo ng utak, may sariling mundo at paiba-iba ng moods.
Hindi nakayang magbago ng aktres, kaya naubos na rin ang pasensiya ng actor-politician. May bago na ring karelasyon ngayon ang aktres, isang mahusay na aktor na nahiwalay din sa sumpunging misis.





Comments