top of page
SHEET - PARUSA SA IRESPONSABLENG GUN OWNER, MAS BIGATAN – CONG. JAVI_IG _javibenitezzz.jpe

Education Center sumabog, 42 bata nadale

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 20, 2026



Taliban sa isang rally ng 5 taon na kapangyarihan - Mohammad Yunus Yawar-Reuters

Photo: Sundalo ng Taliban sa isang rally - Mohammad Yunus Yawar / Reuters



Sugatan ang hindi bababa sa 42 bata matapos sumabog ang isang education center sa Dasht-e-Barchi, Kabul, Afghanistan nitong Lunes ng gabi.


Ayon sa United Nations Assistance Mission in Afghanistan, nasa 42 kabataan ang nasaktan sa insidente at nanawagan ito ng imbestigasyon upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagsabog.


Sa isang ospital sa Kabul, hindi bababa sa 35 estudyante ang isinugod. Lahat ng pasyente ay edad 10 hanggang 14, habang tatlo ang kinailangang sumailalim sa operasyon.


Hindi pa nakukumpirma kung ano ang sanhi ng pagsabog. Hindi rin agad tumugon ang Kabul police na pinamumunuan ng Taliban sa mga katanungan tungkol sa insidente.


Dahil matagal nang tinatarget ng mga militanteng grupo ang Dasht-e-Barchi, kinondena ng ilang opisyal ang insidente bilang posibleng pag-atake. Tinawag naman ito ng UN human rights rapporteur na isang “heinous attack,” habang iginiit ng European Union na hindi katanggap-tanggap ang pag-atake laban sa mga bata at education center.


Malaking komunidad ng Hazara at Shi’ite minority ang nakatira sa lugar na ilang beses nang naging sentro ng pag-atake. Patuloy namang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon upang malaman kung aksidente o sinadyang pag-atake ang pagsabog.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page