Edad 9 pataas... Titser sa Singapore, puwedeng mamalo ng estudyante
- BULGAR

- May 9
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @Overseas News | May 9, 2026

Pinapayagan sa Singapore ang paggamit ng pisikal na parusa ng mga guro sa kanilang mga estudyante bilang bahagi ng disiplina sa paaralan.
Ayon kay Desmond Lee, ang Minister of Education ng Singapore, maaaring gamitin ang pamalo sa mga mag-aaral na may edad siyam pataas, alinsunod sa umiiral na patakaran.
Nilinaw niya na may mahigpit na mga alituntunin na sinusunod upang matiyak na hindi ito nagdudulot ng labis na pananakit o pang-aabuso sa mga mag-aaral.
Sinusuportahan din ito ng ilang punong-guro at mga administrador ng paaralan bilang bahagi ng kanilang sistema ng pagdidisiplina.
Kasalukuyang bumubuo ng mga panibagong patakaran ang mga mambabatas ng Singapore hinggil sa tamang paraan ng disiplina sa mga paaralan, na posibleng ipatupad sa mga susunod na taon.





Comments