Edad 14 pababa, hihigpitan sa socmed, online games

ni Justine Berganio @Overseas News | September 16, 2026

Photo: Kailangang i-verify ng social media at video-sharing platforms ang edad bago makagawa ng bagong account, habang required naman ang age verification sa online gaming platforms bago makapag-download ng games. File
Ipinanukala ng European Union ang pagbabawal sa mga batang wala pang 15-anyos sa social media, video-sharing platforms, AI chatbots at online games bilang bahagi ng mas mahigpit na proteksyon laban sa online dangers.
Sa ilalim ng EU Kids Act, maaaring gumawa ng sariling accounts ang mga edad 15 pataas. Ang 13 at 14-anyos naman ay maaaring magkaroon ng introductory accounts sa social media at video-sharing platforms sa pahintulot ng magulang, may parental controls, limitadong contacts at mahigpit na screen-time limits.
Para sa edad na 3-12, magulang ang ganap na kokontrol sa accounts at child-friendly services lamang ang papayagan. Walang access naman sa mga serbisyong ito ang mga batang wala pang 3-anyos.
Inaatasan din ang tech companies na iwasan ang addictive designs at harmful feeds, magbigay ng madaling paraan para i-report ang harmful content at magbigay ng mas epektibong parental controls.
Kailangang i-verify ng social media at video-sharing platforms ang edad bago makagawa ng bagong account, habang required naman ang age verification sa online gaming platforms bago makapag-download ng games.
Bahagi ito ng panukalang ihaharap ng European Commission, ngunit maaari pang mabago bago tuluyang talakayin at aprubahan ng EU countries at European Parliament.





Comments