top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ebidensiyang 'di buntis kay Robin, wa' epek… HAMON KAY MOCHA: MAG-FB LIVE!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2021
3 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 24, 2021




Hindi nagustuhan ng ilang netizens at supporters ni Vice-President Leni Robredo ang pagdawit sa kanya ni Mocha Uson sa kumalat na balitang buntis diumano ang sexy star-turned OWWA Deputy Administrator at ang itinuturong ama ay si Robin Padilla.


Sa FB story ni Mocha, idinenay niya ang kumakalat na balitang buntis siya.


Sey ni Mocha, “Wala pong katotohanan 'yang tsismis na 'yan. Napakabait po nu'ng tao. Nakakahiya naman kay Idol Robin at Mariel. Sigurado ako, ang mga nagpapakalat niyan ay 'yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si Robin ay masugid na supporters ni Pangulong Duterte kaya na lang sinisiraan kami."


Tapos ay nabanggit nga ni Mocha ang pangalan ni VP Leni.


“Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-anong paninira ang iniimbento nila.”


Komento ng mga netizens sa sinabi ni Mocha…


“Ipinapasa sa iba ang gawain niya. Hindi naman si Robredo ang Fake News Queen. Ikaw!!”


“Itong issue na ito, eh, super-imbento, fake news pa more!”


Tanong naman ng isang commenter, “Mocha, why do you drag a woman who is not part of the narrative???”


“In the first place, you, as govt. official, and your colleague should do your job. Hindi 'yung divert nang divert kayo ng issue! Hindi 'yung sisi nang sisi sa ibang tao!”


“Troll mind amp. Need to drag VP na walang kinalaman sa issue. Smh. Wala talaga mga “best and brightest.”


"Seryosong tanong, ano'ng naiambag niya at bakit nasa pulitika na siya? Dati, nu'ng kabataan ko, akala ko lang, eh, dancer at singer siya sa isang girl group.”


“Real talk! Hindi siya qualified to work as a government employee. She doesn't even have civil service eligibility nga compared to others, pero alam mo naman ang palakasan at kakapalan ng facelak, kahit hindi qualified sa position.”


“Perhaps, ask Duterte what she has done to deserve a position worthy of P150K.”


Ipinagtanggol naman si Mocha ng isang OFW.


“Siya lang naman ang nag-aasikaso sa aming mga OFWs na makauwi nu'ng pandemic. Free lahat.”


Sadyang malaki naman ang galit ng isang netizen na ito.


“Awuw…Sa tingin mo, kanino galing ang perang ipinang-"asikaso" sa inyo niyang si Mocha? Hindi 'yan galing sa bulsa niya, 'teh!


“Kung "inasikaso" man kayo, aba'y dapat lang dahil trabaho niya 'yun bilang suwelduhan ng gobyerno! Sa aming mga nagbabayad ng buwis din nga pala po galing ang ipinapang-suweldo diyan sa Mocha n'yo, pati ang libreng stay ninyo. Nakakagigil ang pag-iisip mo!”


“Gagawa-gawa ng issue, tapos ibinintang sa OVP. May naniniwala pa ba sa babaeng ito? Magtrabaho ka na lang”


“Goodness, idinamay pa talaga si Leni. Galing din sa inyo 'yan, pang-distract from #kickvac”


“Ano'ng kinalaman ni Leni sa issue mo, ha? Second mag-fb live ka nang matapos na chismis kaso nag-post ka, recorded video na baka panahon pa ng Hapon 'yan.”


Ang ibang netizens ay hindi naniniwalang hindi buntis si Mocha. 'Yun daw kasing video na ipinost niya ay luma na.


“She simply should have done a video with her talking about it while showing her tummy. This could be an old video for all we know?”


“When there's smoke, there's fire. Please lang, Mocha, don't drag VP Robredo in your issue. She's nothing to do if ever preggy ka or not. Besides, hindi live 'yan.”


“From the fullness of the heart, the mouth speaks :-)”


“Huh, may sumisira ba sa kanya? As far as I know, matagal na siyang sira.”


Sey naman ng isang netizen, “Feeling ko rin naman, 'di 'yan papatulan ni Robin.”


“Panahon pa ng Hapon video na 'yan. Mag-live ka kasi.”


“Ang issue rito ay ikaw, kung buntis ka or hindi. 'Wag ka na mandamay ng ibang tao na nananahimik!”

1 Comment


roquekeke
Jan 27, 2021

mochantot di na pwede mabuntis kasi gurang na.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page