top of page
FRANKLY - ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX-G _maria.elena.adarna.jpg

EB! host, nilait daw ang hitsura… KIM, ‘DI SUSPENDIDO SA IT’S SHOWTIME DAHIL KAY RYZZA MAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 7, 2026



SHEET - KIM, ‘DI SUSPENDIDO SA IT’S SHOWTIME DAHIL KAY RYZZA MAE-IG _chinitaprincess & _ryzzamaedizon

Photo: IG _chinitaprincess & _ryzzamaedizon



Viral sa social media na suspendido ngayon si Kim Chiu sa It’s Showtime (IS) at si Ms. Cory Vidanes, COO (Chief Operating Officer) ng ABS-CBN, ang nag-issue ng suspension sa TV host-actress.


Kaliwa’t kanan ang nabasa namin sa showbiz websites at vlogs, at napanood namin sa YouTube (YT) na kinumpirma nilang sinuspinde raw ni Tita Cory si Kim dahil sa umano’y pag-insulto nito kay Ryzza Mae Dizon, na isa sa mga hosts ng Eat… Bulaga! (EB!).


Sa segment ng show ay tinawag ni Brent Manalo si Jugs Jugueta na naka-Lotus Feet character mula sa pelikulang Feng Shui at nang lingunin ni Kim ay sinabi niyang “Ryzza Mae!”


Nagkatawanan ang buong studio sa pagbibiro ni Kim kay Ryzza Mae.

Base sa pagtatanggol ng mga netizens kay Ryzza Mae, hindi siguro aware si Kim na simula bata ay may pinagdaanan na ang EB! host dahil sa physical looks niya, at nabanggit niya ito sa panayam niya kay Toni Gonzaga-Soriano.


‘Yung napanood namin sa YT ay talagang effort. Sinabi pang nagkausap na ang EB! management at si Tita Cory tungkol sa pagkakamali ni Kim kaya nagkaroon ng meeting ang IS at ang ABS-CBN executives, at napagdesisyunang suspendihin nga si Kimmy.


Alam naming hindi ito totoo, pero hiningi pa rin namin ang panig ng bossing ng programa nina Vice Ganda.


“‘Di totoo, Reggee!” ito ang madiing sagot sa amin ng executive ng IS tungkol sa kumalat na isyu.


Hayan, malinaw at klaro. Kaya sa bashers ni Kim Chiu, huwag na kayong magpakalat ng fake news.





Game rin daw kahit makatabi sa stage…

MARIS, HAPPY NA BEST SUPPORTING ACTOR SI RICO SA 9TH EDDYS



WORTH it ang pagdalo ni Maris Racal sa katatapos na 9th The EDDYS Awards Night nitong Linggo, Hulyo 5, na ginanap sa Marriott Hotel dahil nakamit niya ang Best Actress trophy para sa pelikulang Sunshine.


Balita kasi namin ay may flight si Maris, pero dahil nominado siya sa nasabing awards night ay sinabi niyang dadalo siya.


Aliw kami sa reaksiyon ng mga nasa loob ng Ceremonial Hall dahil naroon ang ex-couple na sina Maris Racal at Rico Blanco na parehong nominado at pareho pang nanalo.


Inaabangan din sila ng mga photographers na baka sakaling magkasalubong o magkita at magbatian, pero hindi nangyari kaya kamot-ulo na lang ang lahat.


Anyway, nakitang nakangiti si Maris nang tawagin si Rico bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang Manila’s Finest (MF), na entry ng Cignal TV, MediaQuest Ventures, at Spring Films sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).


Pero nang si Maris na ang umakyat ng entablado ay hindi na nakita si Rico dahil nauna na itong umalis kasama ang pamilya niya, na first time ring dumalo sa isang awards night.


Maraming nanghinayang na umalis kaagad si Rico dahil wala siya sa picture-taking para sa lahat ng nanalo sa 9th EDDYS.


Natawa ang aktres nang tanungin siya kung puwede silang magtabi ni Rico sa stage.


Sagot niya, “Yes naman.”


At inaming masaya rin siyang nanalo si Rico dahil pangarap pala nitong magkaroon ng acting award.


Aniya, “Yes, I’m genuinely happy for him.”

At pangarap din ito ni Maris.


Sey ng aktres, “I’m so happy. First time ‘to sa akin. Thank you sa EDDYS at sa mga entertainment editors. Very thankful for this recognition.”


Maraming nakapansin sa thank you speech ni Maris na inialay niya ito sa lahat ng mga babaeng may pinagdaraanan sa buhay.


Pero kinlaro ng aktres na open pa rin siya sa ibang role at hindi lang mag-i-stick sa karakter niya sa Sunshine.


“I’m still open for romcom, comedy. Gusto ko na ring mag-comedy. Gusto ko pa ring ma-challenge ang sarili ko,” sey ng aktres.


Sa kasalukuyan ay may proyekto si Maris na ayaw niyang banggitin kung ano at abangan na lang daw.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page