Eala wagi kay Rybakina swak sa WTA 500 Q'finals
- BULGAR

- 28 minutes ago
- 2 min read
by MC @Sports News | June 11, 2026

Photo: Pasok sa quarterfinals ng WTA 500 Berlin Open si Alex Eala nang pataubin sa round-of-16 si Elena Rybakina. (wtapix)
Pasok na sa quarterfinals ang Filipina wildcard tennis ace na si Alex Eala nang magwagi sa pinakamalaking upset ng kanyang career at gitlain si world no. 2 Elena Rybakina ng Kazakhstan sa Round-of-16 ng WTA 500 Berlin Open kahapon ng madaling araw.
Malakas na sinimulan ni Eala ang opening set upang gitlain ang dating Wimbledon champion at tuluyang nang umabanse sa quarterfinals kung saan niya makakaharap si Elina Svitolina ng Ukraine. Bumanat agad si Rybakina ng malalakas na aces sa first game pero nakaresponde si Eala ng sariling lakas na service game para makabalikwas sa 0-30 at ipatas sa 1-1 ang set.
Anim na sunod na aces ang binanatan ni Rybakina para sa commanding 4-1 lead, tila kakalas ang set sa Filipina star, pero hindi nagpatinag si Eala. Agresibo ang sumunod na aksiyon, nanatiling relaks sa palitan ng bola hanggang sa idikit niya sa 4-3 ang set hanggang sa tumabla sa 4-4.
Muling lumamang si Rybakina sa 5-4 pero itinabla ni Eala sa 5-5 sa bisa ng big serve. Giniba ni Eala ang serve ni Rybakina sa 6-5 at isinara sa 7-5. Nagpatuloy ang momentum kay Eala hanggang 2nd set para bigyan ng 30 unforced errors si Rybakina.
Lumaban pa ang world no. 2 at pinilit idikit ang gap, pero nagpakatatag si Eala sa kanyang mga service at tuluyang itinarak ang straight-sets victory, 7-5, 6-4.
"I am a little foggy right now,"ani Eala sa post match interview. "I'm still shaking — and I was shaking at match point, too. But I'm really happy with the day. It could have gone either way. I think there were really tight moments in both sets and, of course, she's an amazing player. She's the one to beat. So I'm happy to have been able to share the court with her again."





Comments