top of page
BULGARY - SHUVEE, UMUPO NA SA PRIORITY LANE SA TREN, PATI SHOPPING BAGS, PINAUPO RIN-IG _s

Eala binawian si Oliynykova, next Rnd-of-32 ang bardagulan kay Jovic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 4, 2026



Committed na ang 21-year old Pinay Tennis star na si Alex Eala na maglaro sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa Setyembre 20 pero maiiwan ang kanyang WTA tour sa America.

Photo: Alex Eala / IG



Tulad ng ipinakitang husay at katatagan sa first round, halos katumbas ito ng impresibong resulta na muling inihataw ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala kontra Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa second round sa pamamagitan ng 6-1, 6-4 upang maitakda ang panibagong tapatan sa malapit na kaibigang si Iva Jovic ng US sa krusyal na third round match ng 2026 US Open Championship, Biyernes ng umaga sa Louis Armstrong Stadium sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Queens, New York City.


Natagpuan rin ng 21-anyos na lefty hitter ang pambawing panalo kontra Ukrainian tennister sa pagkabigo rito sa round of 32 ng Internationaux de Strasbourg sa dikdikang 6-3, 5-7, 3-6 nitong Mayo.


“My patience and consistency of my focus, I think that was the key to winning the match today,” pahayag ni Eala matapos ang laro upang makapasok sa unang pagkakataon sa third round sa professional lebel kasunod ng US Open Junior title noong 2022. Higit na napaghandaang maigi ng No. 17 seed si Oliynykova sa pagkakataong ito matapos na magawan ng paraan ang mga bilis at liksi ng mga atake ng Ukrainian upang malampasan ang second round loss kontra Cristina Bucsa ng Spain noong isang taon.


Kinakitaan rin ng kanyang higit sa 100 mph na serve ang Pinay na higit na nagpahiyaw ng todo sa mga Filipino fans na binigyang halaga ng Pinay star. Dahil sa pagkakapanalo ay makakatapat nito ang kaibigang si Jovic sa round of 32, na bago magsimula ang main draw matches ay nagsama sa isang exhibition match sa “Stars of the Open” na nagtapos sa masayang 3-6 iskor pabor sa Amerikana.


“Who I play in the next round definitely out of my control, but they are both great friends of mine, both such amazing people and players, so all I can do is wish them a great match, hope they have fun and I’m sure they will both give their all like everyone here,” wika ni Eala, patungkol sa tapatan ng mga kaibigang sina Jovic at Francesca Jones ng UK.


Hindi ito ang unang pagkakataon para sa two-time WTA 125 titlist at WTA 500 Mubadala DC Open champion na makaharap ang 18-anyos na ka-tropa matapos magkasagupa sa dalawang singles match sa first round ng 2026 French Open sa iskor na 4-6, 2-6, at sa round-of-16 ng HSBC Championships na pumabor muli sa US player sa 2-6, 2-6.


Nagawa na ring magsama ng dalawa sa women’s doubles sa Indian Wells Masters sa round of 32 at ASB Classic na umabot naman sa semifinals, kaya’t naging matagal na rin ang pagsasamahan ng dalawa, na kinakitaan rin ng paglalaro ng kanilang mga ama sa exhibition match.


“I’m super excited and the atmosphere is gonna be amazing and she’s playing great tennis and it’s nice to be playing each other third round, deeper in to the slams, so hopefully we can all keep on runs like this,” saad ni Jovic, kasunod ng 6-4, 6-4 panalo.


Sakaling magtagumpay kontra sa 14th seed na si Jovic, may pagkakataon ang world no. 18 Pinay na muling makaharap ang mananaig kina Bucsa at fourth seed at two-time Grand Slam titlist Coco Gauff ng US sa fourth round.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page