top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

EAC, naka-1st gold sa NCAA Juniors Online Poomsae

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2021
  • 1 min read

ni VA - @Sports | June 18, 2021




Inangkin ng Emilio Aguinaldo College ang unang gold medal sa juniors division at ikatlong gold medal ng NCAA Season 96 matapos manalo ng kanilang atleta na si John Vergel Reyes sa online poomsae tournament noong Miyerkules. Nakatipon si Reyes ng kabuuang 7.217 puntos para makamit ang gold medal at magapi ang apat pang jins na nakatunggali sa standard juniors event ng ginaganap na special season.


Tumapos na pangalawa sa kanya at nagwagi ng silver medal si Aaron Isaac Sevilla ng San Sebastian College na nakakuha ng 6.717 puntos habang pumangatlo si Tor Timothy Castillo ng San Beda High School-Taytay na nakakuha ng 6.634 puntos. Una nang nagwagi ng gold medals sa seniors division ang San Beda University at Jose Rizal University na pinaghatian ang gold sa men's at women's standard events sa pamamagitan nina Alfritz Arevalo at Emie Soriano Fernandez ayon sa pagkakasunod.


Samantala, matapos ang panalo ng Gilas Pilipinas kontra South Korea noong Miyerkules ng gabi, 81-78, inaasahang inspirado lalo ngayon ang koponan sa muli nilang pagsabak sa laban sa ikatlong araw ng qualifiers.


Masusubukan muli ang tibay ng mga kabataang basketbolistang Pinoy sa pagtutuos nila ng Indonesia na pamumunuan ng kanilang naturalized player na isa ring dating PBA import sa katauhan ni Lester Prosper.Puntirya ng Gilas na makamit ang ikalawang panalo sa third window ganap na alas-6:00 ngayong gabi kasunod ng tapatan ng Japan at Chinese-Taipei ganap na alás-4:30 ng hapon para sa Group B.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page