top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dyowa ni Mahal, bading daw…MYSTICA, IBINULGAR NA INAGAW NI MYGZ ANG BF NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2021
  • 1 min read

Updated: Nov 4, 2021

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 3, 2021



Tiyak na kukuyugin ng MaMygz fans itong si Mystica dahil sa kanyang pasabog sa latest vlog niyang ginawa. Tinawag pa niyang mga inutil ang mga diehard MaMygz fans dahil paniwalang-paniwala raw ang mga ito na may relasyon sina Mahal at Mygz Molino.


Idinamay din ni Mystica sa kanyang expose ang manager ni Mahal na si Jethro Carandang na ex-BF niya. Ayon kay Mystica, nag-break sila ni Jethro dahil kay Mygz Molino. Inagaw daw ni Mygz sa kanya si Jethro.


Well, mabigat ang sinabing ito ni Mystica at tiyak na magre-react ang libu-libong fans ng MaMygz tandem. Hindi basta matatanggap ng mga fans and supporters ng MaMygz ang ibinunyag na ito ni Mystica. Buong-buo ang tiwala nila kay Mygz Molino. Hindi nila paniniwalaan ang paninirang ito sa kanilang idolo.


Nakikisawsaw lang daw ang sexy singer sa popularidad ng MaMygz tandem. Gusto lang daw ni Mystica na siya ay mapansin at pag-usapan ng lahat.


May depensa kaya sina Mygz Molino at Jethro Carandang sa isyung ito sa kanila?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page