top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Dy ng Logistics, namayani sa PVL Opener vs. Army

  • BULGAR
  • Mar 17, 2022
  • 1 min read

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 17, 2022



Tagumpay ang F2 Logistics sa kauna-unahan nitong laro sa professional ranks makaraang padapain ang Black Mamba-Army, 25-15, 25-18, 21-25, 25-22 kahapon sa pagbubukas ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Paco Arena sa Manila.


Umiskor si Kim Kianna Dy ng 20 puntos na kinabibilangan ng 15 attacks, 4 na blocks at isang ace gayundin ng game winning hit upang pamunuan ang nasabing panalo ng Cargo Movers. Unang set pa lamang ay nagdomina na ang F2 Logistics sa pangunguna nina Dy at Ara Galang. Nagtuluy-tuloy ito hanggang second set at nagbanta pang ganap na walisin ang laro. Subalit pumalag ang Army sa pamumuno ni Honey Royce Tubino at naipuwersa ang fourth set makaraang angkinin ang third, 25-21. Hihirit pa sana ng decider ang Black Mamba pero pinigil na sila ng Cargo Movers at tinapos na ang laro sa fourth frame.


Dalawa pang manlalaro ni coach Ramil de Jesus ang kumamada ng double digit sa katauhan nina Galang at Majoy Baron na nagposte ng 11 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod habang solo namang nag double figure sa Army si Tubino na may 18 hits.


Hindi naglaro para sa Black Mamba ang kanilang mga beteranong sina Jovelyn Gonzaga at Nene Ybañez na parehas miyembro ng national beach volleyball pool na nagsasanay sa Australia. Mga laro ngayon Paco Arena Sports and Events Center 3:00 pm Petro Gazz vs. Balipure; 6:00 pm Creamline vs. PLDT

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page