top of page

Durog sa netizens… RICHARD, IMBES AYUSIN ANG PROBLEMA NILA NI SARAH, PA-DATE-DATE LANG KAY BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2024
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 10, 2024




Pinagtsitsismisan ng netizens ang kumalat na video ni Richard Gutierrez kasama si Barbie Imperial sa isang bar sa mismong comment section ng Instagram post ng Kapamilya female star a week ago.


Imagine, one week ago na ang nakalipas nu’ng ipinost ni Barbie ang kanyang picture with a new hairstyle na ‘di naman pinansin ng mga netizens on the day she posted it.


Kung ‘di lang kumalat ang video sa TikTok ni Barbie with Richard, hindi pagkakaabalahang silipin ng mga netizens ang kanyang posts.


At ang mga Marites sa socmed, talagang diretsahang nagtanong kay Barbie sa comment section ng IG post niya tungkol sa video nila ni Richard.


“How true magkasama raw kayo ni Chard sa isang bar?”


“Nagpunta rin ako dito para maki-chismis, totoo ba?”


Tsika ng netizen, itinago pa raw sina Barbie at Richard ng mga kaibigan nila.


“Yes po, check mo sa TikTok, nagkakalat sila du’n. Ang masaklap pa, itinatago pa sila ng mga enabler friends nila.”


“Bantay-sarado raw si Chard kahit nasa CR ang babae.”


Todo rin ang panlalait ng netizens kay Barbie.


“Ganda na sana kaso naalala ko lagi nambabardagul ‘to.”


“Uhaw sa lalaki ‘yan? Kaya pumatol sa pamilyado na?”


“True at hindi nauubusan ng boylet ‘to. Gamit na gamit ang kamandag niya, Sis, hahahaha! Pati si @richardgutz nadale, ei. Mukhang bet niya ang ganitong gurlalo, ‘yung makipagbardagulan sa loob ng bar lagi dahil sa mga lalaki at laging involved sa mga BOYS, HAHAAHAH! CHEERS @richardgutz At least naging maligaya ka kahit paano.”


Hindi rin nakaligtas si Richard sa matatalas na salita ng mga netizens.


“Nakaka-disappoint ka @richardgutz, instead na ipagtanggol at ayusin mo marriage mo, pa-date-date ka lang. Tama ang mga ibang netizens na wala kang paninindigan. I am happy for @sarahlahbati, para siyang nakawala sa hawla, na-suffocate siguro sa marriage n’yo.”



No wonder at nagdesisyon na ang misis ni Richard na si Sarah Lahbati na i-unfollow ang aktor and the rest of his family, ayon sa mga report.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page