top of page

Durog sa fans, 'di nakatiis… VIETNAMESE GIRL DAW NI DANIEL, NAGSALITA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2024
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 18, 2024




Nakikiusap ang Vietnamese girl na nali-link kay Daniel Padilla sa mga fans ni Kathryn Bernardo na tigilan na ang kaka-harass sa kanya. 


Sa Instagram ni m_phuong1410 o kinilala bilang si Emma ay nagpaliwanag na siya kung bakit niya kilala si Daniel. 


Aniya, first time niyang na-meet si Daniel nang ipakilala ito sa kanya ng kapatid na lalaki. 


Pumunta raw ang aktor sa bar ng kapatid niya sa Vietnam last year at sinabi ng brother niya na nandu'n ang artistang si Daniel na taga-Manila. 


Ipinakilala siya ng kapatid at nagkausap nga raw sila. 


"I say hi to him because I know he is a famous actor. 


"I saw Daniel and his friends in the bar, exchanged a few words and then went back home with my sister. That is the end of my interaction with him," esplika ng Vietnamese girl. 


'Yun daw ang first and last na nakausap niya ang aktor. 


Alam naman daw niyang mahal at in-appreciate ng mga fans ang kanilang idol at ganu'n din daw siya sa hinahangaan niyang mga artists. Pero, ang pakiusap niya, "But please be civilized and polite."


Pinagsabihan pa niya ang mga fans na "Please be a cultured person."


Dugtong pa niya, "You guys have threatened my life and my job, sent messages and spammed my family and friends. This is something I would not wish to happen to anyone."


Dahil dito, sinisisi ng mga netizens ang fans ng aktres. 


"Terrible ang mga fans ni Kath."


"Way too much ang paghanga sa idol nila."


"Break na sila, move on na kayo. Parang end of the world na kung maka-bash kayo. Daming walang modo."


"Ano'ng pinagsasabi mong fans ni Kat, dapat FANTARDS NG KATHNIEL."


"Kath fans lang ba talaga? Hindi ba puwedeng solid KathNiel fans ito?!?"


"Grabe naman pagka-fan ng iba, para lang sa idol nila. nagagawa nilang mang-harass online. Ang tanong, may pakialam naman kaya ang idol ninyo sa inyo? Or napapakain ba niya kayo ng pangha-harrass ninyo sa mga taong involved sa hiwalayan na 'yan?"


"Did you read the girl's post? She said she had a brief encounter with Daniel. She was also basically saying don't accuse her without any proof."


"Grabe, ang dami nang nadadamay pero tikom pa rin ang bibig ng KathNiel. Maawa naman kayo sa mga nadadamay."


Advice naman ng isa para kay DJ, "Sana naman, magkaroon ng balls si Daniel na magsalita if this is not true. 'Pag eto, tahimik pa rin for the next day, may something nga. You can't just allow your fans na maging ganito since ikaw 'yung huling nag-comment na 'Relax lang, ako bahala.' Ano 'to, nang-iwan lang sa ere, tapos hinayaan 'yung mga babaeng maglinis ng kalat? Ang layo nu'ng ipino-portray niya before sa ginagawa niya ngayon. Mas lalong sira ang career nito 'pag hinayaan niya."


"I think Kathryn and Daniel are loving the clout and engagement 'noh! Free publicity nga naman. Good or bad, may publicity pa rin. Kaya ayaw mag-tell-all interview, eh.


Sabagay, sabaw naman parehong sumagot sa interview, so mas okay na 'yang tahimik na lang sila."


"Hoy KathNiel, 'yung mga fans n'yo, uncultured daw! Bastos, sobra! Nagbabanta pa ru'n sa girl. Sabagay, gawain nila 'yan, matagal na. Daming artistang pinagbantaan ng mga 'yan."

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page