Dumalo sa kasal ni Angelica… FRIENDSHIP NINA KIM AT BELA, NASUBOK SA US TRIP
- BULGAR
- Jan 5, 2024
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 5, 2024

After pumapel nina Bela Padilla at Kim Chiu bilang bridesmaids, ang susunod na aabangan namin para umabay ay walang iba kundi si Sandara Park.
Ikakasal kasi ang younger brother ni Sandara, ang dating MBLAQ member na si Thunder, this year. Pakakasalan ni Thunder ang ex-Gugudan member na si Mimi.
Hindi pa sure ang date ng kasal this year. But last November 2 ay ipinasilip na ni Sandara ang susuotin niyang elegant aqua-colored floor-length gown na ipinost niya sa kanyang socmed na may caption na “Bridesmaid.”
Kailan naman kaya ang time na si Sandara na ang magsusuot ng wedding gown sa araw ng kanyang kasal? Hindi na siya bumabata, ‘no?
Although, still looking young pa rin itong si Sandara, eh. Parang “bampira,” hindi tumatanda.
Mahigit isang dekada na nu’ng sumali at nanalo si Sandara sa Star Circle Quest. But until now, nananatiling mukhang bata ang face and skin ni Sandara after almost four decades.
Kaya naman curious ang mga netizens especially ‘yung mga fans ni Sandara kung ano ang sikreto sa kanyang still young looking beauty.
Despite her love for food, pinapanatili ni Sandara na maging light and enjoyable ang kanyang pagkain.
Ibinahagi niya ang kanyang mga pakikipagsapalaran sa pagkain sa social media, itinatampok niya ang kanyang small appetite, na nagbibigay-daan sa kanya na matikman ang iba’t ibang pagkain nang hindi nababahala tungkol sa pagtaas ng timbang.
‘Lam na, ha!





Comments