Search
  • BULGAR

Dumaan daw sa butas ng karayom… DANIEL, KUMANTANG MINALIIT NG PAMILYA NI KATHRYN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 17, 2020




Sa digital movie na The House Arrest of Us lang nagpakita ng kanyang dancing skills sa pamamagitan ng Tiktok si Daniel Padilla, bagay na ikinagulat ng lahat dahil sa tanang buhay niya ay hindi siya sumasayaw, ayon na rin sa kasintahan niyang si Kathryn Bernardo.


Oo, performer si Daniel at sa katunayan ay halos lahat ng concerts niya sa Araneta Coliseum simula noong 2014 hanggang ngayong 2020 na katatapos lang niya ng digital concert niyang Apollo ay pawang sold-out, pero hindi mo siya nakitang sumayaw, puwedeng umindak-indak lang.


Ang itinurong dahilan kung bakit napapayag si Daniel na sumayaw ay si Tiktok King Gardo Versosa na kasama sa pelikula.


Kaya ang tanong ng host na si Robi Domingo ay paano napapayag ni Gardo si Daniel na mag-Tiktok ng awiting Savage Love ni Jason Derulo & Jawsh 685.

Tawa nang tawa si ex-Mayor Herbert Bautista.


“Actually, naglambing ako sa kanilang dalawa (KathNiel), eh, cute silang dalawa, saka hindi naman mahirap maglambing at para ko na rin silang mga anak at wala akong ideya na hindi pa siya nakapag-Tiktok at hindi talaga sumasayaw si DJ.


“Kaya sobrang tuwang-tuwa talaga ako nu’ng ginawa namin ‘yung ano (Tiktok). Thank you, DJ, thank you, Kath,” masayang kuwento ni Gardo na sinagot naman ng batang aktor ng, "Oo naman tito.”


Dagdag pa ni Gardo, “Grabe, kumbaga, itatabi ko ‘yung video na ‘yun. Isang malupit na alaala ang video na ‘yun.”


Hirit naman ni Daniel, “Opo, rare footage ‘yun, Cupcake (tawagan nila na pinauso ni Gardo).”


Ang tsika naman ni Bistek, “Robi, bago nangyari ‘yang Tiktok na ‘yan, ang laki ng convincing power ng pinakamatanda sa amin dito, si Dennis Padilla. Dens, ikuwento mo na.”


“Na-challenge sila kasi nakita nila ang gagaling naming sumayaw. Nakita nila kasi, may formal training kami sa dancing. May workshop na nangyari,” kuwento naman ni Dennis.


Samantala, for the nth time ay muling natanong kung ano ang dream wedding ng KathNiel at sinagot nila na beach wedding kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.

Kinlaro ni Daniel na hindi naman niya pipilitin si Kathryn kung hindi pa handa sa kasal, pero sana ay hindi magtagal. Parehong edad 24 ang dalawa at may anim na taon pa bago mangyari ang sinasabing wedding of the century.


Sa kuwento ng The House Arrest of Us ay engaged na sina Coriks (Daniel) at Q (Kathryn) pero dahil hindi magkasundo ang kani-kanilang pamilya, nagkaroon ng malaking problema.


Sa tanong kay Daniel kung paano niya niligawan si Kathryn, “Umabot naman talaga ako sa ganu’n, nanligaw ako kay Kathryn nang tama, bumibisita talaga ako sa bahay nila at hindi naman ang pamilya niya, eh, botong-boto sa akin. Talagang dumaan ako sa butas ng karayom, talagang minata ako roon.


“So, siyempre, hiindi mo naman puwedeng madaliin at magustuhan ka kaagad, thru time, talagang nagpakilala lang ako kung sino ako, ano nga ba talaga ang gusto ko, so dumaan ang mga panahon at nakilala naman nila ako. So, I think (sabay tingin kay Kath), minahal din naman nila ako,” pag-amin ng aktor.


Sabi naman ng aktres, “Sobra, para na siyang anak ni Mama, honestly.”


Dagdag pa ng aktor, “Grabe si Tita Mhin mag-alaga. Sobra, kapag maysakit ako, siya ang nagdadala sa akin sa hospital. Hanggang ngayon, kapag bumibisita ako, pinaghahandaan ako ng pagkain. Sadyang na-earn ko ‘yun dahil walang ganu’n sa kanila kung sino ako o anuman ang pangalan ko, walang ganu’n. Kailangan kong ipakita ang pagkatao ko sa kanila.”


Anyway, mapapanood ang The House Arrest of Us sa KTX (October 24) at iWant-TFC (October 25) mula sa direksiyon ni Richard Arellano handog ng Star Cinema.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.