top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

Umakyat sa stage para magsabit ng medal… OGIE, PROUD NA CUM LAUDE ANG ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | June 3, 2026



TALKIES - OGIE, PROUD NA CUM LAUDE ANG ANAK-FB Ogie Diaz

Photo: FB Ogie Diaz



Super proud na ibinahagi ng talent manager at aktor na si Ogie Diaz na nagtapos bilang cum laude ang kanyang anak na si Godhie Diaz. 


Bukod sa karangalang ito, nag-uwi rin siya ng tatlong natatanging medalya kabilang na ang prestihiyosong Manuel L. Quezon Leadership Award.


Sey ni Mama Ogs sa post niya, “Tsika ko lang. Nu’ng gumradweyt ang panganay kong si Erin sa Culinary Arts, sobrang na-happy kami ng mama n’ya. Lalo na nu’ng graduation day, may nakapilang mga resto owners sa kanya para i-hire agad s’ya. Hanggang sa makapagtrabaho na si Erin sa gusto n’yang fine dining resto.


“Ngayon naman, si Godhie, ‘yung 22-year-old kong anak, gumradweyt naman bilang Medtech student.


“Diyos ko, ‘yun nga lang na maka-graduate sa college, sobrang saya na namin ng mama n’ya. Aba’y pinaakyat pa kami sa stage para samahan s’yang tumanggap ng tatlong medals bilang recipient ng Faculty of Pharmacy, Manuel L. Quezon Leadership Award College Level at higit sa lahat, Cum Laude pa.


“Grabe ‘tong anak kong ito. Kasi noon pa, lagi n’yang sinasabi sa amin ng mama n’ya nu’ng pagtuntong n’ya sa college, ‘Gusto kong mag-cum laude para ‘di lang ako ang aakyat sa stage, kasama ko dapat kayo, Daddy.’


“Bata pa lang ang anak kong ‘to. Sa talas ng memorya n’ya, at the age of 3 ay mabilis na s’yang kumabisado ng mga lyrics kaya sabi ko sa sarili, ‘It’s either mag-a-abogado ‘to o doktor.’ True enough, tama ako. Lalo na’t malaki ang naging influence sa kanya ng kanyang Ninang Doc Cecille I. Perez, isang OB-gynecologist at s’yang nagpaanak kay misis sa apat naming anak. Thank you, Doc!


“But honestly, kami ng mama n’ya, noon pa, ‘di namin s’ya pine-pressure sa pag-aaral. Lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Anak, alam ko namang kayang-kaya mo ‘yan, pero pahinga ka rin ‘pag pagod na pagod ka na, ha? Alagaan mo pa rin ang sarili mo. Baka magkasakit ka sa kapupuyat sa aral. Tandaan mo, ang pangarap mo ay maging doktor, ‘di maging pasyente.’

“Anyway, Gods (Godhie), ‘di mo lang alam kung gaano kasaya ang Daddy at Mama mo, pati mga kapatid mo at mga nasa paligid natin sa achievement mo.


“Lagi kong sinasabi sa inyo ng mga kapatid mo, tuparin n’yo ang pangarap n’yo. Mag-aral kayo habang malakas pa ang Daddy, habang kaya pa n’yang ibigay ang pangangailangan n’yo. ‘Di ‘yan para sa amin ng Mama n’yo, para sa inyo at sa future family ninyo ‘yan.


“Congrats again, Godhie! Our future doctor!” pagtatapos ni Mama Ogs kalakip ang prayer hands at heart emoji.


In fairness, Ogie Diaz, super well-deserved mo talaga na magkaroon ng anak na tulad nila dahil isa kang mabuting ama. 

Congratulations, Godhie!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page