top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

Hirit sa mga senador na todo-iyak sa pagsuko ni Jinggoy… “IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO” — KAREN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 1, 2026



FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila

Photo: IG _iamkarendavila



Pinuna ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila ang mga ‘emotional senators’ na nag-iyakan umano sa pagsuko ni Sen. Jinggoy Estrada sa awtoridad nitong nakaraang Lunes.


Matatandaang kinasuhan ng plunder at graft si Sen. Jinggoy sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman kaugnay ng pagkakasangkot nito sa maanomalyang flood control projects.


Kasunod nito ang paglabas ng warrant of arrest laban sa aktor-pulitiko noong Hunyo 1.

Sa kanyang X (dating Twitter) account kahapon ay nagpahayag ng saloobin si Karen hinggil sa pag-iyak umano ng ilang senador sa pagsuko ni Sen. Jinggoy.


“Senators were seen crying yesterday as a colleague was being arrested for plunder,” aniya.

Kasunod nito ay tinalakay niya ang naging reaksiyon ng mga emosyonal na senador.

“This is in no way an indictment of the accused senator but I would like to remind our lawmakers...


“Iyakan n’yo ang ninanakawang Pilipino. Iyakan n’yo ang binabaha dahil sa nakawan sa flood control. Iyakan n’yo ang gutom nating mga kababayan,” mensahe ni Karen.

“Get out of your bubble. Please,” pakiusap pa niya.





SASALANG sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang bagong set ng judges ng The Clash Teens (TCT) sa Huwebes, Hunyo 4.


Ibabahagi nina Christian Bautista, JL Toreliza, at Jillian Ward ang kanilang experience so far sa paghahanap ng pambihirang talento mula sa bagong henerasyon ng Clashers. 


Ano nga ba ang qualities na hinahanap ng Clash Panel sa mga ‘Teen Clashers’?

Samantala, ano rin kaya ang sey nina Jillian at JL sa pagiging bagong judges ng singing reality competition?


Abangan ang kanilang mga rebelasyon kasama ang King of Talk na si Boy Abunda.





PANIGURADONG marami ang mase-senti sa muling pagbabalik sa sinehan ng 1999 Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Picture na Muro-Ami na pinagbidahan ni Cesar Montano.


Simula bukas, Hunyo 3, mapapanood na sa piling SM Cinemas ang digitally restored at remastered version ng pelikula, isang proyekto ng GMA Pictures.


Kasama ni Montano sa pelikula sina Pen Medina, Jhong Hilario, at Amy Austria, at tampok din si Rebecca Lusterio. Ito ay sa direksiyon ng visionary filmmaker na si Marilou Diaz-Abaya at isinulat ng acclaimed screenwriters na sina Ricky Lee at Jun Robles Lana.


Nakakatuwa na sa pamamagitan ng digitally restored at remastered version ng pelikula ay mapapanood ito ng bagong henerasyon ng mga moviegoers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page