Mas pinili kesa mag-show kasama ang Sexbomb… SUGAR, NANALO NG P1 M SA DANCE CONTEST
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 3, 2026

Photo: - IG _masugarmercado7
As expected, ang dance duo nina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy ang itinanghal na Ultimate Dance Duo ng Stars On The Floor (SOTF) Season 2.
Hindi nasayang ang effort nila, lalo na si Sugar na hindi nakasama sa mga shows ng Sexbomb Girls abroad. Mas pinili niyang maging contestant ng dance showdown.
At simula pa lang ay nagmarka na ang galing sa pagsasayaw nina Sugar at Jeromy. Mismong si Marian Rivera, na isa sa mga judges, ay pinuri ang kanilang tambalan.
Nararamdaman ang kanilang dedikasyon at passion sa pagsasayaw. Sobra ang effort na kanilang ibinigay hanggang sa finale.
Tumanggap ng P1 milyon cash prize sina Sugar at Jeromy, bukod pa sa tropeo bilang ‘Ultimate Dance Duo’ ng Stars On The Floor.
At least, may maipagmamalaki na rin si Sugar Mercado sa mga kapwa niya Sexbomb Girls.
Congratulations!
NANINIWALA ang mga loyal fans ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na hindi niya tuluyang iiwan ang kanyang singing career kahit 40 years na siyang singer at recording artist.
Pagkatapos ng kanyang 40th anniversary concert, hindi pa siya ganap na hihinto sa concert scene. Maaaring semi-retired lamang siya dahil hahanap-hanapin pa rin niya ang pagkanta at pagpe-perform on stage.
In demand pa rin naman si Regine sa mga shows abroad.
Well, hindi naman niya kailangang bumirit lagi kapag nagko-concert.
At this point of her life, wala nang dapat patunayan si Regine. Narating na niya ang peak ng kanyang career bilang singer, performer, at recording artist. Wala na rin siyang dapat ika-insecure sa bagong henerasyon ng mga mang-aawit.
NAKAAALIW ang kuwento ng ilang malalapit na kaibigan ng singer-aktres na si Pops Fernandez tungkol sa pagiging makakalimutin nito.
Madalas ay kay Pops sila nagko-confide ng kanilang mga personal na sikreto sa love life. Ganoon kalaki ang tiwala nila sa ex-wife ni Martin Nievera dahil alam kasi nilang safe ang kanilang mga sikreto kay Pops.
Pero, huli na nang malaman ng mga kaibigang artista ni Pops ang dahilan kung bakit hindi lumalabas ang top secret na ipinagkakatiwala nila sa kanya.
May sakit pala siyang ‘kalimot’. Naloka ang mga beshies ni Pops nang matuklasan ito.
Samantala, marami naman ang nagtataka kung bakit pagkatapos nilang maghiwalay ni Martin ay hindi na nagkaroon ng seryosong relasyon si Pops. Si Martin Nievera ay nagkaroon ng ibang pamilya, habang tila masaya naman si Pops Fernandez sa pagiging single.
Hindi rin niya sinisi ang kanyang ex-mister sa kanilang paghihiwalay. Nineteen yrs. old lang diumano siya nang sila ay magpakasal, hindi pa siya handang maging wife at mom noon. Twelve years silang nagsama bago nagdesisyong maghiwalay.
Sa kabila nito, nanatili silang magkaibigan.





Comments