top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb

Dream ni Diwata na maging congressman, suntok sa buwan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 15, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MAY SPOKESMAN NAMAN SI PBBM, PERO SI HS MARTIN ROMUALDEZ ANG HILIG UMEPAL NA SPOKESMAN NG PRESIDENTE -- Inanunsyo ni Speaker Martin Romualdez na matagumpay daw ang paglahok ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa 45th ASEAN Summit na idinaos sa Laos.


Hay naku, may sarili namang spokesperson si PBBM sa katauhan ni Presidential Communication Office (PCO) Sec. Cesar Chavez, pero itong si Romualdez ang umeepal na spokesman.


Kahit na noong si Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairperson Cheloy Garafil pa ang PCO head, kapag lumalabas ng bansa si PBBM at sa pagbalik sa ‘Pinas, ang humaharap sa media at umeepal na spokesman noon, si Romualdez din, boom!


XXX


MGA ‘BUWAYANG’ NAGPAPANGGAP NA MGA LINGKOD-BAYAN IBASURA SA ELEKSYON -- Nag-post si actor John Arcilla sa social media nang ganito: “Mas naiintindihan ko pa at mapapatawad ‘yung mga mahihirap na napilitang magnakaw dahil sa gutom at kagipitan, kaysa du’n sa mga taong may mataas na pinag-aralan at katungkulan pero nagnanakaw sa bayan. Botante ka? Iligtas mo ang bayan natin.”

Isa lang ang kahulugan ng post na ito ni John Arcilla, na magkaisa ang lahat ng mga botante na ibasura sa eleksyon ang mga “buwayang” nagpapanggap na mga lingkod-bayan, period!


XXX


PULITIKUNG-PULITIKO NA ANG ARRIVED NI DIWATA KASI DATI LAGI SIYANG NAKASIMANGOT, PERO NGAYON TODO-NGITI NA -- Pulitikung-pulitiko na ang arrived ni Deo Balbuena, alyas Diwata.


Dati, lagi siyang nakasimangot, ayaw na ayaw niyang nagpapa-selfie sa kanya ang mga kostumer sa paresan niya. Pero mula nang maging pang-apat na nominado ng Vendor Partylist ay todo-ngiti na si Diwata, siya na mismo ang lumalapit sa mga kostumer ng kanyang paresan para magpa-selfie, he-he-he!


XXX


SUNTOK SA BUWAN PANGARAP NI DIWATA NA MAGING CONGRESSMAN -- Kung inaakala ni Diwata na magiging congressman siya kapag nagwagi ang kanilang Vendors Partylist, ay nagkakamali siya.


Sa batas kasi, lima ang puwedeng maging nominado ng bawat partylist, pero kapag maraming boto ang nakuha, ay hanggang tatlo lang ang ipoproklamang partylist representative ng Kamara, eh pang-apat siya (Diwata) na nominado, kaya ‘ika nga suntok sa buwan ang pangarap ni Diwata na matawag na honorable congressman, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page