Dream makagawa ng K-drama… ALDEN, ANG SOUTH KOREAN ACTRESS NA SI JO BO-AH ANG GUSTO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 10, 2021

Sa Instagram na lang nagdiwang si Alden Richards ng kanyang 11th anniversary at nagpa-live streaming siya sa kanyang mga fans last Wednesday.
Dito man lang daw kasi ay makasama niya ang kanyang mga supporters who have been with him simula nang magsimula siya sa industriya.
“Kaya ako nag-live today dito sa Instagram siyempre, wala namang way para makapag-celebrate ako ng may gathering with all of my supporters, kaya it’s a way of saying thank you and para rin ma-reach ko kayo in this of course, special day of mine. Ito na lang ‘yung way ko para makapagpasalamat sa inyo personally and I’m just really happy that you guys are here today to join me. Happy 11th anniversary sa atin,” sey ni Alden.
May nagtanong na fan kung ano ang iba pa niyang wish sa kanyang career at ayon sa bida ng The World Between Us ay marami pa siyang gustong ma-achieve sa buhay.
“'Yung international project, isa ‘yan talaga sa mga gusto kong ma-achieve. Siguro, hopefully next year, I don’t know, within the year, who knows? Si Lord lang ang may alam kung kailan.
Pero I’m really doing the best I can to you know, kahit papa’no, magkaroon tayo niyan sa portfolio natin.
“So, isa ‘yun sa mga focus ko at the moment. For self-growth din as well. I’ve been in the industry for 11 yrs., so, ang sarap din namang maka-experience ng something international, something na you know, we can tell the world that Filipino people have talents when it comes to the craft of acting,” aniya.
Puring-puri nga ni Alden ang mga Korean dramas at gusto niya rin daw makagawa nito.
“Itong pandemic, I’ve been given the privilege to really watch mga Korean dramas and I have to give it to them. I am a fan of Korean dramas because it was well-written, well-shot, well-directed, well-acted, lahat. I mean, it gives the audience a full experience of a story. Na pag-iisipin ka most of the time and then eventually, ibibigay sa ‘yo ‘yung answers and then it’s up to you to process it,” papuri ni Alden.
“As we watch Korean dramas, ine-elevate niya ‘yung comprehension ng audiences nila. And we don’t get stuck to the normal stigma of drama na very predictable ‘yung mga mangyayari.
I think, that’s the beauty of it.
“So sana, sana malay n’yo, makagawa tayo ng K-dramas, hindi natin alam. Hopefully,” dagdag pa niya.
When asked kung sino ang international celebrity na gusto niyang makasama, ani Alden ay ang South Korean actress na si Jo Bo-ah na huling napanood sa K-drama na Tale of the Nine Tailed.
“Kasi, may picture kami ni Jo Bo-ah nu'ng ano, eh, nu'ng Seoul Drama Awards na awarding. I don’t know, nandu’n ‘yun sa Instagram ko. Pero kailangan ko pang matutong mag-Korean bago natin magawa ‘yun,” natatawa niyang sabi.
Nang matanong naman kung may favorite siyang K-pop group, Blackpink pa rin ang sagot ni Alden. Of course, noon pa’y very vocal naman ang aktor na fan siya ng nasabing sikat na girl group, partikular nga ng miyembrong si Lisa (Lalisa Manobal).
“Sobrang nagagalingan lang talaga ako sa Blackpink. ‘Pakagaling nilang sumayaw. Lalo na ‘yung ano (bias) ko, ano ba, paano ba, siguro kasi, 'pag tinawag ko siya ng iba, baka maraming magalit sa akin kasi marami raw nakapila.
“Anyway, basta Blackpink is very good especially Lisa is a very great dancer and performer.
‘Yung ibang-iba siya off-cam, tapos, 'pag tumugtog na ‘yung music and she dances on stage, she becomes a different person.
“Grabe si Lisa. Siya ang number one,” nakangiti na tila kinikilig na sabi ni Alden.





Comments