Dream come true… KIM, SUPER-HAPI NA SA WAKAS, SOLO HOST NA!
- BULGAR
- Nov 11, 2022
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 11, 2022

Fresh from the successful ASAP Natin ‘To show sa Las Vegas, USA, umapir si Kim Chiu sa grand launch ng bagong reality-talent show ng ABS-CBN, ang Dream Maker na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Wednesday.
Ang Dream Maker ay partnership ng ABS-CBN at South Korea’s MLD Entertainment and Kampo Korea. Si Kim ang main host ng bagong Kapamilya reality show which aims to form a new all-male seven-member pop group na ilo-launch internationally.
Dream come true para kay Kim ang makapag-host nang “solo” ng isang show gaya ng Dream Maker. Hindi pa man nag-uumpisa ang show at nabibigyan-katuparan ang mga pangarap ng new talents na kasali sa programa, nauna nang tinupad ng bagong Kapamilya reality-talent show ang kanyang pangarap na mag-host ng sariling programa.
Although, nagho-host na rin naman si Kim sa Kapamilya noontime-show na It’s Showtime from Monday to Saturday. Pero ‘yun nga, iba pa rin siyempre kapag ikaw ang “solo” at “main” host ng isang programa.
Kasama rin ni Kim sa Dream Maker ang co-It’s Showtime host niya na si Ryan Bang. Pero sabi nga ni Ryan sa mediacon ng Dream Maker, feeling niya, mas “interpreter” siya kesa sa host ng show.
Ayon kay Kim, “Sobrang iba (ito sa Showtime). Aside from first time ko na ako lang mag-isa 'yung nakatayo sa gitna, first time ko na mabigyan ng opportunity for the longest time na ako mag-isa ang magho-host para sa Dream Maker and I’m very grateful and I’m very honored to be part of this show. Grabe, sobrang malaking bagay ito para sa akin, para sa career ko.
Kaya I’m so very happy and thankful.”
Siyempre, todo-kaba si Kim sa bagong ‘feather on her cap’ na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.Aminado siya na nandoon ang pressure nu’ng magsimula na siyang mag-taping ng Dream Maker.

“Siyempre, 'yung pressure nandu'n. Hindi naman puwedeng mawala 'yun. Nandu'n 'yung kaba.
Nandu'n 'yung lahat ng mga iniisip ko na ano kaya ang sasabihin ng ibang tao na magho-host ako ng isang show? Alam mo naman 'yung ibang tao, nagdududa sila and everything. Pero hindi rin naman nila mapapatunayan kung hindi pa nila napapanood. And kung hindi rin ako nabigyan ng ganitong chance, hindi ko rin malalaman kung saan ako aabot or kung kaya ko ba talaga or ganyan. So thankful din ako sa chance,” pahayag ni Kim.
Walang duda na si Kim na nga ang busiest star sa showbiz, ha? Imagine, nagho-host na siya sa It’s Showtime araw-araw sa tanghali, mapapanood pa siya gabi-gabi sa Dream Maker, tapos nasa ASAP Natin ‘To rin si Kim tuwing Linggo.
Waley pa d’yan ang gagawin niyang pelikula, teleserye, public appearances here and abroad, plus endorsements.
Grabeee si Kim, ‘di ba?
May nagtanong kay Kim sa mediacon ng Dream Maker, "How to be you" dahil nakekeri niyang gawin lahat ang mga nakaatang sa kanyang projects ng ABS-CBN.
Para kay Kim, nasa tamang pag-i-schedule lang naman daw lahat para ma-achieve ang mga bagay na gusto nating gawin sa buhay.
Bukod sa pagho-host, excited din si Kim na “irampa” sa Dream Maker ang kanyang mga susuotin sa show.
“Siyempre, ru'n tayo lalabas sa outfit-an since visuals tayo. Magsasalita lang tayo ru'n. Since K-pop fan din ako, sobrang loding-lodi ko 'yung mga sense of fashion ng mga Koreans. So iba-iba (outfit) 'yung mapapanood nila every episode. So exciting din para sa akin na mahilig maglaro sa outfits and fashion, ganyan,” pagbubunyag ni Kim.
At dahil pang-international ang Dream Maker, may Korean mentors sila na kinuha for the show na magte-training sa 60 contestants. Ilan sa kanila ay ang choreographers ng mga sikat na K-Pop group ngayon. Pero meron ding mga local mentors gaya nina Angeline Quinto at Darren Espanto.
Out of the 60 contestants, pito ang kukunin nila sa final round at ipakikilala not as P-Pop or K-Pop group but as Global-Pop group na galing ng 'Pinas, trained by our local and Korean mentors gaya ng choreographer ng MOMOLAND at Lapillus na si Bae-Wan-hee.





Comments