top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Donasyon sa mga health workers, kaya in-announce… KRIS, GUSTONG IPAMUKHA ANG PAGKUKULANG NG GOBYERNO

  • BULGAR
  • Sep 25, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 25, 2021



May pa-nude photo si Kris Aquino sa kanyang 4.8 million Instagram followers kahapon para sa kanyang bagong soap endorsement.


Makikita sa kanyang post ang larawan niya habang nakahubad na naliligo sa banyo (with matching bula and all) na nakatalikod sa camera kaya likod lang naman ang nakita. Of course, half-body lang ang shot kaya walang butt exposure.


Sa mahabang caption ay ipinaliwanag ni Kris na kuha ito a day before her brother, former President Noynoy Aquino died kaya hindi muna nila ito ipinost, na naintindihan naman daw ng kumpanya.


“It’s reassuring to know during difficult times that there’s someone who has your back… the truth is, I shot this pic the day before my brother died, and my Safeguard family understood we needed to wait until enough time had passed for my upload.


“I appreciated their compassion and the truth is now more than ever, vital part ng buhay natin ang germ protection na bigay ng trusted kong Safeguard.


“Maraming nagbago sa buhay ko since this pic was taken: may sobrang lungkot, may very stressful, (someone special to my brother & now me was in ICU BUT survived), and may special & unexpected,” pahayag ni Kris.


She also announced na ang talent fee niya para sa nasabing endorsement ay ido-donate niya sa sa ating mga health workers.


“Alam ko ang ilan, sasabihin, dapat tahimik ko ‘tong ginawa, pero kung hindi ko ‘to i-post, hindi makakalampag ‘yung kailangang makarinig that it’s our responsibility to have our fellow Filipinos’ backs.


“In its entirety, I’m donating my talent fee from this post for our govt. healthcare workers who are yet to get their backwages (we are in contact with PGH) and I’m giving the rest sa Malabon program: Karinderiya para sa Kalusugan ni Chikiting.


“Naniniwala pa rin ako na may kinabukasan ang (Philippine flag emoji). Kaya para sa mga bumubuhay sa ‘tin ngayon at para sa dapat mabuhay na malusog para makabangon tayong muli, kayo ang pinili ko,” saad pa ni Kris.


As expected, sobrang ikinagulat ng kanyang mga followers ang kanyang pa-likod at ang daming napa-wow sa kanyang flawless skin.


Bukod dito ay pinuri rin ang kanyang generosity lalo na nga sa panahon ngayon na kailangang-kailangan talaga ng tulong ng ating mga kababayan.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page