DOMINIC, NAG-POST NG PIKTYUR NILA NI SUE, ‘DI TOTOONG BREAK
- BULGAR

- 11 minutes ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 29, 2026

Photo: IG _dominic roque
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa status ng relasyon nina Sue Ramirez at Dominic Roque. Marami ang nagtataka kung bakit bihira na silang mag-post ng larawan na magkasama. At nang yumao ang Mommy Chit ng aktres ay parang wala raw paramdam at mensahe ng pagdamay ang aktor.
‘Yun pa naman ang panahon na kailangang-kailangan ni Sue ng masasandalan at magbibigay sa kanya ng moral support dahil sa pagpanaw ng kanyang ina. Mabuti pa raw ang ex-BF niyang si Cong. Javi Benitez ay unang-unang nagpahatid ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng aktres.
Marami tuloy ang nag-iisip na baka nga totoo ang tsikang hiwalay na sila, kaya wala nang gaanong balita sa kanila ngayon. At posibleng inililihim lang nila ito sa publiko upang hindi pagpiyestahan ng mga Marites sa showbiz.
Pero sa latest Instagram Story ni Dominic, nag-post ito ng piktyur nila ni Sue kasama ang pamilya ng GF na kuha sa columbarium nang ihatid nila ang urn ng mom ng aktres.
Maaaring ito na ang sagot ni Dominic sa mga breakup rumors nila ni Sue.
Alumnus sa kursong Mass Comm…
MICHAEL V., GUEST SPEAKER SA GRADUATION NG PLM
HINIHINTAY na ng lahat ang gagawing pagsalang ng ‘Comedy Genius’ na si Michael V. sa programang Gandang Gabi Vice (GGV) na eere na sa GMA Network simula sa Setyembre. Aabangan ng mga viewers kung anong atake ang gagawin ni Vice sa kanyang one-on-one interview kay Bitoy.
Ano pa ba ang mapipiga niya kay Michael V.? May sikreto ba ito at rebelasyon sa kanyang mga pinagdaanan sa showbiz bago siya sumikat? Ano ang formula nito upang magtagal sa showbiz ng apat na dekada?
Well, bukod sa kanyang talent sa pagpapatawa, sobrang dedicated sa kanyang trabaho si Michael V. Hindi sapat sa kanya ang sumikat lang sa telebisyon at pelikula. Patuloy siya sa pagtuklas ng mga kaalaman upang tumagal sa kanyang propesyon.
Isa pa, hindi rin lumaki ang kanyang ulo at marunong makisama sa lahat. Hindi rin siya nakakalimot na magpasalamat sa mga nakatulong upang maabot niya ang tagumpay.
Si Michael V. ay dating nag-aral sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila), kung saan siya nagtapos ng Mass Communication. Kaya naman, proud sa kanya ang eskuwelahan kaya kinuha siya bilang guest speaker sa araw ng pagtatapos ng kanilang mga estudyante.
Masayang ibinahagi naman ni Bitoy ang kanyang mga experience sa PLM at sabay-promote na rin sa kanyang mga shows sa GMA-7, ang Bubble Gang (BG) at Pepito Manaloto (PM).
MARAMING magaganda at de-kalidad na pelikula ang ginawa ng Regal Films sa panahon ng pamamahala ng yumaong si Mother Lily Monteverde. Marami rin siyang pinasikat na Regal Babies, tulad nina Maricel Soriano, Snooky Serna, Dina Bonnevie, Manilyn Reynes, Ruffa Gutierrez, Carmina Villarroel, Sheryl Cruz, ganoon din sina Gabby Concepcion, magkapatid na sina William at Albert Martinez, Alfie Anido, atbp..
Halos lahat ng magagaling na direktor ay nakapagdirek ng pelikula sa Regal Films, humakot ng awards at kumita sa takilya ang kanilang mga obra. Mahigit na anim na dekada nang namamayani ang Regal Films sa movie industry.
Walang kapaguran si Mother Lily noon sa pagpo-produce ng pelikula. Nakuha niya ang malalaking artista tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos-Recto, Lorna Tolentino, Alma Moreno, Rudy Fernandez, Bong Revilla, atbp.. Marami siyang artistang natulungan.
Sa launching ng librong SINE. FILM. PELIKULA: The 100+ Greatest Movies of Philippine Cinema, nabanggit ni Roselle Monteverde, anak ni Mother Lily, na dalawa sa mga pelikulang produced ng Regal Films ang nagbigay sa kanila ng stress at malaking problema. Ito ay ang Manila by Night (City After Dark) na pinagbidahan nina Charito Solis, Lorna Tolentino at Alma Moreno; at ang Sister Stella L. na movie ni Ate Vi.
Hindi nga lang nagbigay ng detalye si Roselle kung bakit.
Anyway, marami sa mga movies ng Regal Films ay kasama sa libro ng Philippine Cinema.
NAKAPILI na ng 10 Panorama Shorts na ipapalabas sa CinePanalo Film Festival ng Puregold. Magsisimula ang screening ng mga napiling entries simula sa September 23 hanggang October 4.
Ang mga napili ay mapapanood sa Gateway Cineplex 18. May special discounts sa mga senior citizens, PWD (persons with disabilities), students, national athletes at mga Aling Puring at Perks cardholders.
Tiyak na dudumugin ng mga mahihilig sa pelikula ang Puregold CinePanalo Film Festival. Posibleng dito manggaling ang mga aktor at aktres na mabibigyan ng big break sa mainstream movies.





Comments