DOH Sec. Pujalte, sibak ‘pag napatunayang lulong sa casino
- BULGAR
- 2 hours ago
- 1 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 7, 2026

SABLAY YATA ANG PAGTALAGA KAY EX-SEN. TOLENTINO SA DOLE KASI SA HALIP MAKAPAGBIGAY NG TRABAHO, DUMAMI PA ANG JOBLESS – Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 4.9% ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Tila yata sablay ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) kay dating Sen. Francis Tolentino bilang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), dahil sa halip na makapagbigay ng trabaho, ay dumami pa ang mga jobless na Pinoy. Period!
XXX
TILA APEKTADO SI SEN. LOREN LEGARDA SA INANUNSYO NI OMBUDSMAN REMULLA NA KAKASUHAN SIYA AT ANAK NIYANG SI CONG. LEVISTE – Tila apektado si Sen. Loren Legarda sa inanunsyo ni Ombudsman Boying Remulla na sasampahan sila ng kasong plunder ng senadora at ng anak nitong si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kaugnay ng umano'y P10 bilyong "ghost electricity project."
Tatlong araw nang hindi dumadalo sa impeachment hearing ang senadora.
Kung tutuusin, may dahilan si Sen. Legarda na mabahala dahil ang kasong plunder na isasampa sa kanila ni Ombudsman Remulla ay non-bailable. Ibig sabihin, kapag napatunayang guilty sa paglilitis ang mag-ina, pareho silang habambuhay na makukulong. Period!
XXX
MALAMANG KATATALAGA LANG KAY DOH SEC. PUJALTE, SIBAK AGAD ANG AABUTIN NIYA ‘PAG NAPATUNAYANG LULONG SIYA SA PAGKA-CASINO – Mismong Malacañang na ang nagsabi na paiimbestigahan nito ang mga alegasyong lulong sa pagsusugal sa casino ang newly appointed Department of Health (DOH) Secretary Jose Brittanio Pujalte.
Kaya kung mapatutunayang totoo ang alegasyon, posibleng katatalaga pa lamang niya ay masibak na agad siya sa puwesto. Abangan!

