DIWATA, BINIGYAN NG BAGONG SASAKYAN
- BULGAR
- May 5, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 5, 2024

ABUT-ABOT ang pasasalamat ni Deo Jarito Balbuena a.k.a. Diwata sa taong nagbigay sa kanya ng bagong sasakyan.
Ibinahagi niya ang video kung saan ipinakita niya ang isang sasakyan na ibinigay sa kanya para magamit sa kanyang negosyo.
Sa post ng GWM Philippines Facebook page, makikita si Diwata na iwinawagayway ang susi ng bagong sasakyan. Aniya, pag-aaralan pa raw niya ito dahil automatic. Mas sanay daw kasi siya sa manual dahil ‘yun ang kanyang ginagamit.
Para kay Diwata, hindi lamang isang simpleng sasakyan ang kanyang natanggap kundi isang mahalagang gamit na mapapakinabangan niya sa kanyang hanapbuhay.
Si Diwata ay nakilala sa online world bilang may-ari ng trending at pinipilahang “Diwata Pares”. Bukod sa abot-kaya ang kanyang mga paninda, sulit din ito at nakakabusog, ayon sa kanyang mga customers.
Marami tuloy ang naiinggit sa suwerteng kapalaran na dumating kay Diwata, kaya marami rin ngayon ang namba-bash sa kanya.
Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi marumi ang pagkain niya at ang marumi ay ang ugali ng mga bashers niya.
Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok na linisin ang ugali. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon lang sa kahirapan.
Komento nga ng mga netizens sa bagong sasakyan ni Diwata, “Sana all.”
Proud na 10 yrs. na sa showbiz… DARREN, MAGKO-CONCERT NA SA ARANETA

GUEST ni Darren Espanto sa kanyang 10th anniversary concert sina Vice Ganda at Sarah Geronimo sa darating na Hunyo 1 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Hindi lang ang dalawang big stars ang nakasuporta sa singer, dahil nandu'n din ang OPM president songwriter na si Ogie Alcasid, si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Pop Ballad Royalty Erik Santos at ang fellow The Voice Kids batchmate at Team Sarah member na grand winner noon na si Lyca Gairanod.
Post nga ng Star Music sa kanilang social media, “Iyong-iyo na sa June 1, 2024 ang Araneta Coliseum!”
Excited ngang sabi ni Darren sa kanyang post, “I can't believe it has been 10 years and I'm just grateful to still be here and to be able to do what I love, which is, you know, performing.”





Comments