top of page

Disaster preparedness at resilience ng bansa, mas paigtingin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2025
  • 3 min read

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | July 24, 2025



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Hindi biro ang kalamidad na kasalukuyang dinaranas ng napakarami nating mga kababayan. Ang Bagyong Crising, Bagyong Dante, at ang Habagat ay patuloy na nagdadala ng malalakas na ulan at pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa. Maliban dito, merong dalawang Low Pressure Area (LPA) na kakapasok lang sa bansa na mataas ang posibilidad na maging ganap na bagyo.  


Ramdam ng bawat pamilyang nasalanta ang bigat ng pinsala — libu-libong kababayan natin ang napilitang lumikas, maraming tahanan ang lubog sa baha, at masakit mang isipin, may mga buhay na nawala.


Ipinararating ko sa pamilya ng mga nasawi at sa libu-libong Pilipinong apektado ng kalamidad ang aking taus-pusong pakikiramay at lubos na pakikidalamhati. Nananawagan naman ako sa lahat ng concerned government agencies na gawin ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan. Sa kapwa ko mga Pilipino, magtulungan tayo sa abot ng ating makakaya.


Bilang Chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang lagi nating paalala ay bigyang prayoridad ang kaligtasan at kalusugan. Huwag sana nating ipagsapalaran ang buhay para sa mga kagamitan. Ang gamit ay mabibili at mapapalitan, pero ang buhay kapag nawala ay hindi na maibabalik. A lost life is a lost life forever.

Pero kasabay nito, responsibilidad ng gobyerno na siguraduhing may ligtas at maayos na evacuation centers ang mga kababayan nating lumilikas. Kaya naman isinulong natin noon bilang principal author at co-sponsor ang ngayo’y Republic Act No. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act.


Patuloy kong ipaglalaban ang full implementation ng batas na ito na layong magtatag ng permanente at kumpletong evacuation centers sa bawat lungsod at bayan sa bansa. Panahon na para protektahan ang buhay at dignidad ng ating mga evacuees sa pamamagitan ng mga pasilidad kung saan maayos ang hygiene, ligtas ang mga bata at matatanda, may access sa serbisyong medikal, at may sapat na espasyo para sa lahat.


Kaugnay nito, inihain natin ang Senate Bill No. 173 na layong itatag ang Department of Disaster Resilience. Kung maisasabatas, ang DDR ay pamumunuan ng isang cabinet-secretary level na opisyal para mas matutukan ang disaster preparedness, response, rehabilitation, at recovery efforts. Mahalaga ang restoration of normalcy o agarang pagbalik sa normal na pamumuhay ng mga kababayan pagkatapos ng kalamidad.


Bilang tugon naman sa pangangailangan ng mga pamilyang nawalan ng tahanan, inihain natin ang Senate Bill No. 415 o Rental Housing Subsidy Program bill. Kung magiging batas, hangad nating matulungan ang calamity victims na magkaroon ng pansamantalang tulong pabahay habang inaayos ang kanilang kabuhayan at tahanan.


Kabilang rin sa ating mga panukala ang Senate Bill No. 669 na kung maisasabatas ay magtatakda sa pagbibigay ng hazard pay sa disaster responders sa tuwing may kalamidad. Sakripisyo at panganib ang kinakaharap nila para mailigtas ang mga kababayan, kaya’t dapat lang na masuklian ito kahit papaano.


Bilang inyong senador, at sa tulong ng kapwa ko mga mambabatas, magtatrabaho ako para maisulong ang mga batas at programa na maglalapit ng serbisyo sa bawat Pilipino.

Ngayong Hulyo, ipinagdiriwang natin ang National Disaster Resilience Month (NDRM), isang mahalagang pagkakataon upang paigtingin ang kamalayan ng bawat Pilipino sa kahalagahan ng kahandaan at katatagan. Importante na magkatuwang ang pagtugon ng gobyerno at ang pagiging handa ng mamamayan. Tandaan natin na responsibilidad nating lahat ang kaligtasan ng bawat isa.


Samantala, agad na tumulong ang aking Malasakit Team sa 27 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Baguio City kasama si Councilor Vladimir Cayabas.


Nag-abot din tayo ng tulong sa 166 scholars mula sa iba’t ibang paaralan na ginanap sa WCC Aeronautical and Technological College North Manila at 41 scholars sa iba’t ibang paaralan sa La Union.


Dinaluhan ng Malasakit Team ang Buena Liga 17U Games Opening Ceremony sa Agusan del Norte kasama si Buenavista Mayor Jun Roble, gayundin ang 25th Class Anniversary at Induction of Honorary Member ng Officer Candidate Course “Mapitagan” Class 21-2001 sa pangunguna ng Class President na si LT Colonel Reginar Perez.


Kasama ni M@B Partylist Congresswoman Girlie Veloso, dumalo ang aking opisina sa inauguration ng mga bagong pasilidad sa East Avenue Medical Center (EAMC) kabilang ang Neonatal Intensive Care Unit, Central Endoscopy Unit, at Oxygen Generating Plant.

Dumalo rin ang Malasakit Team sa turnover ng bagong Super Health Center sa Dumingag, Zamboanga del Sur sa imbitasyon ni Mayor Gerry Paglinawan.


Muling paalala sa mga kababayan, ibayong pag-iingat. At bilang inyong Mr. Malasakit, umasa kayong hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay ninyo sa akin para ipagpatuloy ang pagseserbisyo. Bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

1 Comment


David Johnson
David Johnson
Jul 24, 2025

In a Geometry Dash Lite game, the longer you play, the more challenging the challenges you need to overcome. violent, just a small mistake or carelessness and the controlled object will immediately shatter into hundreds of small pieces.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page