Dis-oras ng gabi, nanggulat… SHARON, MINURA NG DIREK NG MOVIE
- BULGAR
- Mar 30, 2021
- 2 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 30, 2021

Ipinost ni Director Darryl Yap ang Louis Vuitton bag na regalo sa kanya ni Sharon Cuneta kasama ang letter in English na hindi masyadong ipinakita ng director.
Ang mababasa lang ay “accept this gift” at ang malinaw na mababasa ay ang card na kasama sa LV bag. Nakasulat sa card ang “To My dearest Direk Daryl, Maraming salamat po uli for Revirginized. More than that, for your love and friendship. God bless you always! Love you,” at saka nakapirma si Sharon.
Worth $5,000 (almost P250K, ha?) daw ang LV bag na regalo ni Sharon sa director ng Viva Films movie na Revirginized na streaming sa May sa Viva Max.
Nakakatuwa ang reaction ni Direk Darryl sa LV bag na regalo sa kanya ni Sharon, napamura pa ang director sa gulat.
“Tang ‘nang SHARON CUNETA! Nananahimik ako dis-oras ng gabi, manggaganito ng tao!!!
"Ano’ng karapatan mo SHARON CUNETA!!! Bakit mo naman ako ginaganito! Kung iniisip mong magagantihan kita sa ginawa mong ‘to sa 'kin! Nagkakamali ka! HAHAHA! Hindi ko kaya 'to! Palalampasin ko na lang! HAHAHA!
"Pasens'ya na po kayo, alam kong maraming magtataas ng kilay, magkukulay-talong sa inggit at mababaog sa sama ng loob...
"PERO KAILANGAN KONG I-POST ITO!
"Bukod sa tiwala, pagmamahal, lambing at 'di natatapos na pag-alaga sa buong staff ng pelikulang #REVIRGINIZED, pinakamasarap sa pakiramdam 'yung kausap ka gabi-gabi, mabigyan mo ako ng payo at paalala, meron man o wala nito, HINDI AKO MAGSASAWANG IPAGSIGAWAN KUNG GAANO KABUTI ANG PUSO MO, GAANO KAHUSAY ANG UTAK MO AT GAANO KAYAMAN ANG BULSA MO. Charot! GAANO KA KAYAMAN SA PAGMAMAHAL!
"Bait na bait na 'ko sa 'yo, wala pang ganito, ano na lang? Imbes lagi kitang ipinagdarasal, sa 'yo na 'ko magdarasal! Hahahaha!
"I love you, Sharon Cuneta.
"Salamat sa una kong designer bag, makakalimutan ko ang sarili ko, pero hindi ikaw.”
Sumagot si Sharon kay Direk Darryl at sabi nito, masaya siya na galing sa kanya ang first designer bag ng director. May binanggit lang si Sharon na “Kaya ayoko i-post mo po kasi 'di lahat ng direk ko, binigyan ko ng ganyan. Baka magselos! Chakabaka isipin ng iba, sipsip ako sa 'yo!!!”
Hahaha! Ang cute ni Sharon, pero paano ‘yan at marami na ang nakaalam dahil nabasa ang post ni Direk Darryl?




Comments