top of page
Search
  • BULGAR

'Dirty campaign', binatikos ng netizens... Guanzon kay BBM sa Leni-Kiko rally: 'Babangag-bangag ka!'

ni Zel Fernandez | May 2, 2022



Binatikos ng mga netizens, partikular ng mga BBM supporters, ang mga pasaring ni dating Philippine Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon kay presidential candidate Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. sa kasagsagan ng pangangampanya nito para kina VP Leni Robredo at vice-presidential candidate Kiko Pangilinan.


Sa kuha ng viral TikTok video na ipinost sa isang Facebook account, mapapanood sa entablado si Guanzon habang buong siglang nagtsa-chant sa harap ng mga tagasuporta nina Robredo at Pangilinan sa ginanap na “Barako para kay Leni-Kiko” grand rally sa Catalina Lake Residences sa Bauan, Batangas.


“Naaagnas na ‘yung kamay n’ya, eh... kakasinghot! [sa] kakasinghot! kakasinghot! kakasinghot! [sa] kakasinghot!” tila pag-awit ni Guanzon na sinabayan naman ng ilang mga nanonood.


Sinundan pa ito ni Guanzon ng, “ang kapal-kapal mo, BBM... hindi ka man lang nag-graduate ng college, tatakbo ka presidente? Ang kapal mo! Sasabihin mo pa, mas magaling ka kay Leni Robredo, na taga-UP School of Economics? Ikaw nag-aral ka sa Europa! English-English ka pa, naka-Rolls Royce ka pa! Hindi ka [na] graduate kasi... babangag-bangag ka [na],” na inulan naman ng hiyawan mula sa mga nanonood.


Nagpatuloy pa ang patutsada nito sa pagsigaw ng “hindi kami bangag” at "si BBM bangag" na paulit-ulit ding sinabayan ng mga supporters na nakiisa sa naturang grand rally.


Dahil dito, nagalit ang mga solid BBM supporters at ipinagtanggol ang kanilang presidential bet, kasabay ng pagdedeklara na ibabawi ng mga ito si Marcos sa pamamagitan ng pagpapanalo rito bilang bagong pangulo ng bansa sa darating na Mayo 9, 2022 national elections.


Ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa nasabing FB post ay nagpahayag ng pagkasuklam sa ginawang paraan ng pangangampanya ng dating Comelec commissioner. Anila, ipinakikita lamang umano nito ang klase ng pagkataong mayroon si Guanzon na mayroon umanong pinag-aralan ngunit bastos pa rin at asal-kalye.


Ang iba pang mga komento ay nagsasabing may mental disorder o baliw na umano si Guanzon at hindi magandang ehemplo sa mga kabataan.


Samantala, kung mayroong mga nagalit na BBM supporters ay mayroon ding ilang mga ‘Kakampink’ ang nagpahayag ng pagkadismaya sa istilo ng pangangampanya ni Guanzon na anila ay nakapagpapahamak sa mga tagasuporta ng Leni-Kiko tandem na matino at hindi masama ang ugali.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page