‘Groomer’ ng Banga School shooter, nakilala na

by BRO @News | October 1, 2026

Photo: Banga National High School / Circulated
Nakilala na ng mga awtoridad ang umano’y “groomer” ng 14-anyos na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato noong Setyembre 18.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, 18 anyos ang taong tinutukoy at taga-South Cotabato rin. Hinahanap na ito ng mga pulis matapos umanong umalis sa bahay nito.
Tatlong estudyante, kabilang ang gunman, ang namatay habang walo ang nasugatan sa insidente.
Nauna nang sinabi ni Remulla na naging aktibo ang suspek sa “deep dark web,” na posibleng nakaimpluwensya sa kanya. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at sa online activities ng suspek.





Comments