2 sugatan sa nasunog na tanker sa Batangas

by BRO @News | October 1, 2026

Photo: Philippine Coast Guard.
Dalawang katao ang nasugatan matapos masunog ang isang motor tanker habang nakadaong sa Balayan Distillery Inc. Port sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas, nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 30.
Ayon sa Philippine Coast Guard Southern Tagalog, nagsimula ang sunog sa engine room ng barko na may kargang molasses at 22 crew members.
Dalawampu sa mga tripulante ang ligtas, habang isinugod sa pagamutan ang dalawang nasugatan.
Agad rumesponde ang Coast Guard Sub-Station Lemery, Bureau of Fire Protection-Calaca City at mga tugboat para apulahin ang apoy at tumulong sa rescue operations.
Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.





Comments