DIREK PAUL, IPINABOBOYKOT NG MGA ARTISTA DAHIL KAY BBM
ni Nitz Miralles - @Bida | December 14, 2021

Mali ang naisulat namin na walang namba-bash at walang nanawagang i-cancel si Director Paul Soriano dahil nakitang sumama sa caravan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. Ayon kay Direl Darryl Yap, mga taga-showbiz industry din ang nasa likod na i-cancel si Direk Paul.
Maganda ang post ni Direk Darryl sa Facebook at hinihintay ng mga netizens ang reaction ng mga tao rito.
“Kina-cancel si Direk Paul Soriano dahil ang pinili niyang suportahan ay si Bongbong Marcos.
"Nu'ng tingnan ko kung sinu-sino ang namba-bash, eh, 'yung mga taga-industriyang ang gusto nila - sila lang ang tama, sila lang ang may ipinaglalaban.
"Ito rin 'yung mga taga-industriyang walang ibang narating kundi puwet ng mga director nilang hinimod nila hanggang mapudpod, naligaw na sila sa b*lb*l ng isa’t isa kakasigaw na sila lang ang may karapatang gumawa ng pelikula.
"Ang tibok ng puso, gaya ng dikta ng kunsensiya, ang boto at sining ay hindi lamang bunga ng panlasa, ang mga ito ay nabubuo dahil sa karanasan, koneksiyon, kultura at pagkakakilanlan - at ang mga taong pilit kang huhusgahan dahil sa pinili mong gamitin ang iyong karapatan ay walang ipinag-iba sa mga halimaw na ipinangako nilang papaslangin.
"Lord, kung sakaling balang-araw, wala rin akong mapagkaabalahan... 'wag mo sana akong gawing tulad nila... wala na ngang project, wala pang respect. Amen.”
Gusto tuloy naming makita ang listahan ng mga taga-industriya na nanawagang i-cancel si Direk Paul at bina-bash siya.
Patingin ng listahan!





Comments