ni Beth Gelena @Bulgary | November 12, 2023
Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na nag-resign na si Direk Paul Soriano, ang mister ni Toni Gonzaga, sa office ni Pangulong BBM bilang Presidential Adviser on Creative Communications.
Ayon sa PCO secretary, nagpadala si Soriano ng resignation letter upang unahin ang mga personal commitments nito, kabilang na ang paggugol ng oras sa kanyang pamilya, lalung-lalo na sa bago nilang baby ni Toni.
Ang daming komentong naglabasan hinggil sa resignation ni Direk Paul.
“Resignation churvah! K, fine, whatevah!"
"Courtesy resignation para 'di na mapahiya. Alangan namang lubog na, ilulubog pa."
"No replacement kasi made-up lang ang trabaho for him."
"Feeling ko, he was made to resign."
"Tigbak Authority."
"Wala naman kasing saysay 'yung position."
Tadtad nga ng negativity ang mga comments ng mga netizens para sa direktor.
"Shameful position in the first place. He was placed there not because of qualifications but because he is a relative of the First Lady."
"Ano'ng achievement niya sa former position niya other than the viral issue of V.H. visit?"
Pero baka naman daw ililipat lang ng posisyon ang mister ni Toni.
"Because? Ililipat lang sa ibang position."
"Sa wakas, tinubuan ng hiya."
"He was made to resign because of the tourism fiasco. Ang laki ng kinita, hindi pala original ang concept. For a creative director in real life, sablay siya."
"Kakahiya, binigyan ka ng chance pero 'di niya ginalingan. Nauna kasi ang yabang!"
"'Yung mga movies ni Paul and Toni, 'di na rin nila ipinapalabas like 'yung kay Toni na from Korean adaptation yata, sayang din 'yun."
Oh, ha? Ang dami talagang mema ng mga netizens.
Comments