top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

DIREK JOEL SA MTRCB: WA' KAYO 'K' PAKIALAMAN ANG ONLINE PLATFORMS!

BULGAR
Mar 20, 2022
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 20, 2022




Agaw-pansin ang mga love scenes sa pelikulang Island of Desire na idinirek ni Direk Joel Lamangan para sa Vivamax online streaming na showing na sa April 1.


Posibleng tumatak ang mga bida ritong sina Christine Bermas at Sean de Guzman dahil kakaiba ang approach ni Direk Joel sa kanilang mga sexy scenes, 'yung tipong 'eye catching' pero hindi naman malaswa at bastos.


Kaya nga sabi ni Christine nang makausap namin sa Zoom presscon kahapon ng Island of Desire, all-out siya sa mga love scenes niya sa movie dahil malaki ang tiwala niya kay Direk Joel. Alam niyang hindi bastos ang kalalabasan ng mga eksena kaya hindi na siya nag-inarte pa.


Habang ang kasamahan niyang aktres sa movie na si Jela Cuenca, nagpakatotoo naman na nakiusap daw siya kay Direk Joel para sa ilang eksena na hindi niya kayang gawin. Hindi pa raw kasi niya kayang mag-full blast sa pagpapa-sexy dahil hindi pala alam ng pamilya niya sa probinsiya ang kanyang ginagawa sa showbiz.


So, 'pag ready na raw si Jela, saka na siya bibigay nang todo.


Ang ganda naman ng sinabi ni Direk Joel na hindi siya namimilit ng artista niya kapag hindi kayang magpa-sexy. Mas importante raw sa kanya na may freedom o kalayaan sa pagpili ang mga artista niya sa gustong gawin.


Ewan lang namin kung seryoso o nagbibiro lang si Direk Joel nang sabihing hindi nga niya pinipilit ang mga artista niya pero isinusumbong niya sa producer o sa manager 'pag may ayaw gawin.


Hahahaha! 'Kaaliw talaga si Direk!


Anyway, dahil sexy movie nga ang Island of Desire, tinanong namin ang opinyon ni Direk Joel tungkol sa isinusulong ngayon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na isama nang i-censor ang mga shows and movies sa online platform para mapangalagaan ang kaisipan ng mga inosenteng bata na posibleng maagang ma-expose sa kahalayan dahil sa hindi nga nai-screen o napi-filter na mga palabas.


Diretsong sagot ni Direk Joel, “Dapat hindi nila pakialaman ang mga nakalagay sa Netflix, ang mga nakalagay sa online apparatus. Dapat, hindi na nila pakialaman ‘yun. Ang pakialaman lang nila ay ang mga ginagawang pelikula na ipapalabas sa sinehan. Pero ‘yung mga tinatawag na online (platforms) ay hindi na dapat. Wala silang karapatang pakialaman ‘yun dahil iyon ay trabaho ng mga taong sinasabi nating dependable naman.”


Kung hindi pabor si Direk Joel na i-censor ng MTRCB ang online platforms, ano ang maisa-suggest niya para maprotektahan ang mga kabataan?


“Dapat, diyan papasok ang magulang o sinumang guardian na nasa tabi ng kabataan na ‘yan. Dapat sila ang may say kung ano ang hindi at dapat panoorin ng kanilang mga anak.


“Kung naniniwala sila na ang anak nila ay hindi pa kayang manood ng mga ganu’ng bagay, dapat, may mga pagbabawal na gagawin ang magulang o sinumang guardian ng tinatawag nating kabataan na ‘yun.


“Diyan papasok ang katungkulan ng magulang. Hindi dapat iasa ng magulang sa ibang tao ang pagpapalaki at pagpapatino ng kanilang mga anak. ‘Yan ang kanilang responsibilidad,” diretsong pahayag pa ng direktor ng Island of Desire.


Samantala, bukod kina Christine, Sean at Jela, kasama rin sa movie si Rash Flores.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page