top of page

Dinikdik dahil sa utol ni Yassi na ipinalit daw sa ex-GF…FANS NI NADINE KAY JAMES: WALANG 'BALLS'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 25, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 25, 2021



ree

Nabulabog ng JaDine fans ang Instagram account ni Liza Soberano dahil sa simpleng comment ni James Reid sa post ng kalabtim at girlfriend ni Enrique Gil.


Kung sa personal nagkita-kita ang mga fans ni James at ng ex-girlfriend/love team niyang si Nadine Lustre, baka nagrambulan na sila.


Sa reply section ng IG post ni Liza ay na-reveal na may fans pala si Nadine na may sama ng loob kay James, huh?


Para klaro, umpisahan natin sa IG post ni Liza na trailer ng anime series na Trese. Excited na in-announce ni Liza na boses niya ang ginamit para sa isang karakter sa Trese tungkol sa Pinoy folklore na ipapalabas sa Netflix.


TRESE TRAILER Here it is!!! The official TRESE trailer. Still can’t believe I get to be part of this. It’s an honor to be the voice of Alexandra Trese and I can’t wait for June 11. There’s still so much more you haven’t seen yet,” caption ni Liza.


Ang boses ni Liza ang gagamitin sa Filipino language version at ang boses naman ng Filipino-Canadian actress na si Shay Mitchell (YOU, Pretty Little Liars) ang maririnig sa English language release.


Eto ang comment-post ni James, “Damn that’s cool.”


Kalurky ang naging reply ng mga netizens sa simpleng comment ni James na umabot sa almost 300.


Isa sa mga replies ay sinabihan si James na walang “balls” at muling binuhay ang pagkaka-link ulit ng kapatid ni Yassi Pressman na si Issa sa controversial actor.


"@james not like u, walang b*yag forever and that’s unCOOL lmaoo. Just tell the world 'bout ur new lover @issa___thebrand @issapressmannnn to stop Jadine fans delusions that ur (you're) still together w/ @nadine u pc.”


“@james Mas cool 'yung tapos gamitin si @nadine at ngayon, daming girls iba-iba. Same old James. 'Wag mo idinadamay si @lizasoberano at @enriquegil17 sa pagka-user mo. They are decent nice peeps.”


May nag-post din ng “LizJames.”


Pero may nagtanggol naman na netizens kay James.


“Why blame James? Not James' fault when your idol (was) the one who decided to (get) out from Viva.”


“Ikaw ang delusional! Hanggang ngayon, push pa din si Issa, wala ka namang evidence na mailabas! Pandemic na nga, 'di ka pa din maka-move on!"


“'Yan ang natatanggap ni James everyday galing sa mga fans ni Nadine. Akala n'yo lang, si Nadine ang naba-bash? Doble pa kay James. Kung alam n'yo lang. Ganyan kababoy ang fans ni Nadine, kahit saan, nagkakalat. Nakakahiya.”


May pumuna rin na 'di raw dapat nagko-comment ng ganyan against James sa socmed account ni Liza.


“Nakakahiya. Wala talaga kayong pinipiling oras para ipaglaban lang 'yang katangahan n'yo. Nasa IG kayo ni Liza, 'wag dito, kapal talaga ng mukha ang mga bashers ni James!! Magpahinga naman kayo! 'Wag puro ka-nega!!!"


Hindi naman nakapagpigil ang LizQuen fans sa bangayan ng JaDine fans sa Instagram ni Liza at may nag-message para kay James.


“@James Pakisabihan 'yung mga fans mo na tantanan ang IG ni Liza. Jusko! Masaya at tahimik ang LizQuen at ang LizQuen fans, utang na loob! Ang to-toxic nila! Huwag guluhin ang nananahimik at masaya, ok?!”


So, there.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page