DINGDONG, WA' PAKI KAHIT WATER BOY LANG NI MARIAN SA MISS U
- BULGAR
- Dec 12, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 12, 2021

Ang cute nina Marian Rivera at Urvashi Rautela, ang sikat na Bollywood actress-model na kasamang juror ni Marian sa 2021 Miss Universe.
Tinuruan siya ni Marian na isayaw ang Sabay-Sabay Tayo sa preliminary event ng Miss Universe. Game na game si Urvashi na umindak at pagkatapos nilang sumayaw, nag-apir ang dalawa at nagtatawanan.
“A lot of laughter and a little bit of dancing with my seatmate and new found friend @urvashiautela” caption ni Marian sa in-upload na video na ikinatuwa ng mga followers ng aktres sa Instagram.
Lalo pang natuwa ang mga followers ni Marian sa comment ni Urvashi na “Love u @marianrivera” na sinagot ng Kapuso actress ng heart emojis.
Hindi inaasahan ng mga followers ni Marian ang unexpected collab ng dalawang naggagandahang jurors and reading the comments, may foreigners na nag-comment din.
Nagustuhan din nila ang dance number nina Marian at Urvashi na sikat na sikat with 43.6 million followers sa IG.
May photos din si Marian kasama ang iba pang members ng selection committee at Miss Universe organizers kabilang si Adriana Lima, ang Brazilian model-actress na mababasa sa comment ni Lovi Poe na “Adriana Limaaaa” at sinagot ni Marian ng “@lovipoe super-bait and humble niya.”
Anyway, hindi lang pala water boy ni Marian si Dingdong, siya rin ang photographer ng asawa. ‘Katuwa lang!





Comments