top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

DINGDONG, SASAMAHAN SI MARIAN SA ISRAEL, 2 ANAK MAIIWAN SA ‘PINAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 06, 2021





This Monday, December 6, na ang lipad ni Marian Rivera at mga kasama pa-Israel para sa gaganaping 2021 Miss Universe sa Eliat, Israel. Hindi pa binanggit nina Marian at Dingdong Dantes, pero balitang sasamahan ng aktor ang misis sa Israel. Hindi pababayaan ni Dingdong ang asawa sa first travel nito sa ibang bansa.


Tamang-tama na natapos na ang locked-in taping ni Dingdong ng I Can See You: AlterNate.


Kahit mag-extend sila ni Marian ng stay sa Israel o mag-travel sa ibang bansa, walang magiging problema dahil wala siyang trabahong mabibitin. Puwede naman siyang mag-promote ng MMFF entry nila ni John Arcilla na A Hard Day via social media na kanyang ginagawa.


Sa mga nagre-react na maiiwan nina Marian at Dingdong sina Zia at Sixto, wala silang dapat na ipag-alala dahil sa mediacon ni Marian, sinigurong may mag-aalaga sa mga anak niya habang wala siya o sila ni Dingdong.


Ipinost pala ni Dingdong ang isang larawan ni Marian sa Instagram at nilagyan ng caption na “Sabi nga ng bandang Hotdog, ‘Malinaw na malinaw, ngayon at anumang araw, ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.’ Naaaks!” at “Always proud of you, @marianrivera!”


May mga bashers sa pagkakapili kay Marian na maging isa sa mga hurado, pero sabi ni Marian, bukod sa sanay na siya, hindi siya nagpapaapekto.


Kaya mang-bash lang kayo, habang siya ay patuloy na bine-bless.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page