ni Nitz Miralles @Bida | November 19, 2023
Naku, sino kaya ang mga baguhang artista na tinukoy ni Christopher de Leon sa kanyang paalala na maging respectful sa mga veteran stars na kanilang nakakatrabaho?
“Wala naman sa akin. Hindi naman madalas. Bakit mo ako dadaan-daanan, eh, mas magiging mahaba ang role ko sa kanila? ‘Pag nag-eksena kami, kailangan mo rin naman akong kausapin. Kailangan ko rin siyang kausapin. But the thing is, ang gusto kong sabihin is, sa amin, ‘yung napangaral sa amin before is to be respectful.”
Marami ang nag-agree kay Boyet dahil nangyari rin daw ito kina Dina Bonnevie at Sharon Cuneta na dinaan-daanan lang ng mga baguhan at naging open ang dalawa sa kanilang naranasan sa mga newbie.
May mga nagtanggol din naman sa mga baguhan, baka nahihiya o nai-intimidate lang daw bumati kay Boyet. Pero ‘yung comment ng isang netizen na si Boyet at ang mga kagaya niyang veteran stars na lang ang unang bumati sa newbie stars ay tila hindi maganda.
Walang binanggit si Boyet kung saang set siya dinaan-daanan ng newbie stars. Ang alam natin, ginawa niya ang pelikulang When I Met You in Tokyo at nasa Batang Quiapo siya ngayon. Alin kaya sa dalawa niyang projects nangyari ito?
Comments