top of page

Dimples, BFF ng aktres, tikom ang bibig… KASALANG BEA-VINCENT, ‘DI NA RAW MAY 16, MAY 14 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 1, 2026



TEKA NGA - KASALANG BEA-VINCENT, ‘DI NA RAW MAY 16, MAY 14 NA-FB Dimples Romana & FB Circulating

Photo: FB Dimples Romana / Circulated




Matalik na magkaibigan sina Bea Alonzo at Dimples Romana kaya marami ang nagsasabing si Dimples ang nakakaalam kung totoong nauna nang nagpakasal dito sa ‘Pinas sina Bea at Vincent Co bago ang kasal nila sa Spain na unang napabalita na May 16, pero ngayon ay umuugong na May 14 na.


Nagbigay ng kanyang saloobin si Dimples sa status ng relasyon ngayon nina Bea at Vincent. Masaya raw siya para sa kanyang BFF na natagpuan na ang kanyang ‘the one’.

Naging maingat si Dimples sa kanyang naging pahayag. Pero marami ang nagsasabing may kakaibang kahulugan ang kanyang pagbati kay Bea. 


Sabi nga, ‘reading between the lines,’ parang may grain of truth nga sa tsikang kasal na si Bea kay Vincent Co. 


Well, two weeks na lang ang ipaghihintay ng lahat at malalaman na ang mga detalye ng kasalang ito. Basta isang bagay ang sigurado ngayon, hindi na maaawat ang pagiging Mrs. Co ni Bea Alonzo. Ang tanong ng lahat ay kung may prenuptial agreement ba sila? 





Naging emosyonal si Janice de Belen sa interview sa kanya ni Julius Babao. 

Natanong kasi kung may bagay siyang nai-give-up na hindi niya pinagsisihan. 

Alam ng lahat na si Aga Muhlach ang greatest love ni Janice de Belen. Hindi sila nagpakasal noon kahit buntis siya kay Luigi dahil pareho silang bata pa noon ng aktor. 


Gayunpaman, hindi niya inobliga si Aga at mas pinili niyang i-give-up ang relasyon nila alang-alang sa career nito.


Hindi ikinahiya ni Janice ang pagiging single mom. Pero hindi naman niya inilayo kay Aga ang anak nilang si Luigi. Naitaguyod niya ito at naging normal ang childhood ni Luigi.


Pagkatapos ni Aga Muhlach, umibig muli si Janice de Belen sa aktor na si John Estrada. Nagkaroon sila ng apat na anak – tatlong babae at isang lalaki, pero nauwi rin sa paghihiwalay. 


Ngayon ay nasa tamang edad na ang mga dalagang anak ni Janice na sina Inah, Moira at Kaila. Pagdating sa kanilang love life, ayaw pangunahan ni Janice ang kanyang mga anak. Mature na ang mga ito at kaya nang magdesisyon on their own. 


Nasa kanila na raw kung gugustuhin nilang magpakasal sa lalaking kanilang mamahalin o piliin ang malayang setup ng pakikipagrelasyon.


Tanging wish ni Janice de Belen ay maging masaya ang kanyang mga anak sa kanilang buhay-pag-ibig. Siya naman daw ay quota na at wala na sa plano niya ang humanap ng makakatuwang sa buhay. Panatag na ang loob niya at masaya sa kanyang pagiging single ngayon.





Akala, walang pambili dahil sa suot… DIANA, DINEDMA NG TINDERA SA JEWELRY SHOP SA AUSTRALIA, NAINSULTO, NAG-POST SA FB



MABILIS ang naging pagsikat ng businesswoman na si Madam Cha (Charo Cordial) na may-ari ng Maddox Jewelry na nagbebenta ng mga diamond jewelries dito sa ‘Pinas. 

Pawang mga celebrities ang kanyang buyers o clients tulad nina Ai Ai delas Alas, Diana Zubiri, Jean Garcia, Ara Mina, Aubrey Miles, Sharmaine Arnaiz, atbp..


Ito rin ang ginagawa niyang content sa kanyang vlog kaya popular sa showbiz ang kanyang mga jewelries. 


Ang nakakatuwa, naisasabay din niya ang pagbebenta ng alahas at ang kanyang pagtatanong sa mga isyu ng kanyang celebrity clients kaya kaswal na kaswal ang kanyang approach sa kanyang mga customers.


Samantala, naikuwento nga ni Diana Zubiri na naranasan niyang ma-snob at ma-discriminate sa isang jewelry shop sa Australia nang pumasok siya na nakasuot lang ng sports dress. Hindi raw siya pinansin nang magtanong siya ng presyo ng alahas.


Nainsulto siya kaya nag-post siya sa social media ng kanyang saloobin tungkol sa nasabing insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page