top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kulong at multa ang parusa... 6 milyong Pinoy, may pekeng PWD ID

Writer: BULGAR
BULGAR
51 minutes ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | October 10, 2026



Kulong at multa ang parusa... 6 milyong Pinoy, may pekeng PWD ID

Photo: PDAO



Halos anim na milyong Person With Disability ID ang hinihinalang peke o nakuha sa ilegal na paraan matapos hindi magtugma ang nakarehistrong bilang ng mga PWD sa National Council on Disability Affairs (NCDA) sa bilang ng mga gumagamit nito.


Batay sa record, nasa 2.8 milyon ang nakarehistrong PWD subalit tinatayang 8.5 milyon ang gumagamit ng PWD IDs, kaya malinaw na mayroong discrepancy na anim na milyon.


Sinabi ni Chief State Counsel Dennis Chan na ang discrepancy ay magreresulta sa seryosong pagkalugi sa ekonomiya, sa mga negosyo at sa gobyerno.


Dahil dito, nagbabala si Chan na mahaharap sa kasong kriminal ang sinumang mapatunayang gumagamit ng PWD ID na hindi rehistrado at nakuha lamang sa ilegal na paraan. Posibleng makulong at mapatawan ng kaukulang multa.


Kasamang binalaan ni Chan ang mga may-ari ng negosyo na magkukumpiska sa PWD ID nang walang tamang beripikasyon o legal na hakbang dahil lamang sa paniwala na peke ang mga ito.


Wala pang record ang gobyerno sa updated na halaga kung magkano ang nalugi sa mga negosyo at sa gobyerno sa paggamit ng pekeng PWD ID.


Sa pamamagitan ng PWD ID ay binibigyan ng pribilehiyo ang mga PWD ng 20 percent na diskuwento at exemption sa 12 percent na value-added tax sa mga piling bilihin at mga serbisyo alinsunod sa nakapaloob sa mga probisyon ng Republic Act No. 10754.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page