PBBM sa Singapore F1: Happy coincidence

ni Mylene Alfonso @News | October 10, 2026

Photo: Bongbong Marcos sa SIngapore - FB
Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang isang “happy coincidence” ang pagdalo niya sa Formula 1 (F1) race sa Singapore ngayong weekend, kasabay ng kanyang working visit sa naturang bansa.
Tinanong ang Pangulo kung dadalo siya sa Singapore F1 at sumagot ito, “Yes, happy coincidence. All of these, the Forbes CEO, all of these meetings that I'm having happened… because what’s happened with the Singapore F1, it’s become such an event that all these other events are scheduled around it because so many people come.”
Ayon kay Marcos, matagal na siyang nakadalo sa Singapore F1 bago pa siya naging pangulo at nagkaroon pa siya ng pagkakataong makilala ang yumaong dating Singapore Prime Minister Lee Kuan Yew habang naglalakad sa lugar.
Dagdag pa ng Pangulo, nagsisilbing pagkakataon ang F1 event upang makilala at makausap ang mahahalagang personalidad, kabilang ang mga negosyante mula sa Pilipinas na dumadalo rin sa karera.
Nang tanungin naman tungkol sa pakinabang ng pagdalo niya sa karera para sa bansa, sinabi ni Marcos na maaari itong magsilbing panimula ng mga talakayang mahirap simulan sa ibang pagkakataon.
“It’s sometimes it’s just a question of starting a discussion that you cannot start in any other way. You pick up the phone, and you say, you know, let’s talk about this.”
Ipinaliwanag din ng Pangulo na mas nagiging makabuluhan ang mga susunod na pag-uusap kapag nagkaroon na ng personal na pagkikita ang mga taong may kailangang pag-usapan.





Comments