top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

10-anyos pinakain ng dumi ng kalabaw, pinagamit ng droga

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 10, 2026



10-anyos pinakain ng dumi ng kalabaw, pinagamit ng droga

Photo: File



Iniimbestagahan ng Bacolod City Police Office (BCPO) ang ulat na isang 10-anyos na batang lalaki ang umano’y pinakain ng dumi ng kalabaw at pinahithit ng marijuana sa Brgy. Vista Alegre, Bacolod City.


Ayon kay Police Captain Liberty Indiape, hepe ng BCPO-Women and Children Protection Desk, sinikap ng pulisya na makipag-ugnayan sa pamilya ng bata, ngunit hiniling ng mga ito na igalang ang kanilang privacy.


Sa kabila nito, patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga hinihinalang sangkot upang matukoy ang mga posibleng kasong maaaring isampa laban sa kanila.


Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa social worker ng barangay bilang bahagi ng imbestigasyon at pagtugon sa insidente.


Sa kabila nito, wala pang natatanggap na reklamo o sumbong ang Brgy. Vista Alegre mula sa mga magulang ng bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page