top of page
TALKIES - KARA- OKAY LANG NA ‘DI MAGALING MAG-ENGLISH SI MARIAN_IG _marianrivera & _karada

Digong, pinakamahusay sa diplomasya sa daigdig at sa lokal

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | November 17, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Inaresto ang ilang raliyista kaugnay ng street protest na isinabay sa 49th ASEAN Summit.

Nakakahiya sa mga panauhin.


----$$$--

Nakaiskedyul ang pagdating ni US President Donald Trump ngayong hapon, kahit “late” na dahil tapos na ang summit proper.

Sa Pinoy, huli man daw at magaling—LATE PA RIN!


-----$$$---

Kasabay ng ASEAN Summit ang unang meeting ng QUAD ang mala-NATO na alyansa ng US, Japan, Australia at Pilipinas.

Ito ay para maidepensa ang Taiwan.


----$$$--

SA aktuwal, kapag sinakmal ng China ang Taiwan, awtomatik na aatake ang QUAD.

Siyempre, awtomatik damay ang Pilipinas sa China-Taiwan war.


-----$$$--

SA lohika at sentido-kumon, kapag binomba ang Taiwan, dahil damay ang Pilipinas, bobombahin din ang mga airport at military ng US na nasa Pilipinas.

Kumbaga, sa World War II na inatakeng una ang Hawaii, uunahin ang pandepensa ng Taiwan sa Pilipinas kung saan nakahimpil ang QUAD.


-----$$$--

ANG pundasyon ng ASEAN ay pang-ekonomiya, pero nakapagtatakang hindi makaiwas sa isyu ng girian sa giyera.

Diyan na pumasok ang masinop na “information dissemination”.

Natatalo ang Malacañang sa propaganda ng kanilang mga kalaban.


-----$$$---

KABILANG sa nilagdaan ang digital scheme sa financial community ng mga miyembrong bansa ng ASEAN.

Kumbaga, sa import-export industry, puwede nang gamitin ang “piso, bath, rupees” sa mga transaksiyon imbes na “dolyar”.

Isa itong “anti-US” o anti-dollar.


-----$$$--

DARATING si Trump hindi upang tulungan ang Pilipinas o ASEAN, bagkus ay upang idepensa ang dolyar kontra sa iba pang currency.

Matapos sa Maynila, agad lilipad si Trump patungong China.


----$$$--

MAG-UUSAP ang tatlong “warlord”—Trump, Xi Jinping at Vladimir Putin.

Sa ayaw o sa gusto mo, mag-dabarkads ang tatlo.

Sila ang tipong “TVJ”—sakop ang buong mundo!


----$$$--

DAPAT ay kopyahin ng Pilipinas lalo na ni Sec. Gibo ang diskarte nina Trump, Xi at Putin, hindi sila magkakaaway.

Malinaw na magkakaibigan silang tatlo.


----$$$--

MALINAW na imbes na awayin ng Maynila ang China, makipagkaibigan nang todo kay Xi at maging kay Putin.

Iyan mismo ang ginawa ni Digong; kaibigan niya si Xi, si Putin at maging si Trump.


-----$$$--

MAS malinaw ang ideolohiya ni Digong kaysa sa administrasyong Marcos kung pag-uusapan ang relasyon sa China, Russia at US.

Sa panahon ni Digong, isang “sanababits” lang, nakawala sa “pundiya ng US” ang Pilipinas.


----$$$--

IMBES na kamuhian, maliitin o insultuhin si Digong sa international diplomatic community, iginalang siya.

Ito ang tinatawag na internationalism na nakalutang pa rin ang “nasyonalismo, patriotism” at pagdepensa sa soberanya.


----$$$--

Pinakamahusay sa diplomasya si Digong sa daigdig at maging sa lokal.

Hindi niya kailanman, binangga ang kanyang vice president kahit kalaban sa partido, bagkus ay madalas pa niyang biruin.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page