top of page
TALKIES - KARA- OKAY LANG NA ‘DI MAGALING MAG-ENGLISH SI MARIAN_IG _marianrivera & _karada

Pagbawi sa bank representatives bilang testigo ni VP Sara, wise decision

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 17, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


HINDI KATANGGAP-TANGGAP SA MAJORITY PINOYS ANG PAGTAWAG NI CONG. ELI SAN FERNANDO NA 'FAKE PHILIPPINES' ANG ATING INANG BAYANG PILIPINAS — Sablay ang pabidang-atake ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando sa Marcos administration na host sa ASEAN Summit and Related Summit kaugnay sa sinabi niyang "fake Philippines" na nagsasalarawan ng malinis na kapaligiran na dadaanan ng mga world leaders matapos na takpan ng gobyerno ang lugar na kinatitirhan ng mga dampang-tahanan ng mga maralitang Pinoy.


Okay lang na atakihin nang atakihin ni San Fernando ang gobyernong Marcos, pero ang hindi katanggap-tanggap sa majority ng mga Pinoy ay 'yung tinuran niyang "fake Philippines" ang ating Inang Bayang Pilipinas kasi ang two words na ito (fake Philippines) ang pinagpipiyestahang i-post ngayon ng mga Chinese vloggers, tsk! 


XXX


PAG-ATRAS NG DEPENSA NA GAWING TESTIGO ANG MGA BANK REPRESENTATIVES WISE DECISION KASI BAKA LALONG MADIIN SI VP SARA KAPAG INUNGKAT NG PROSEKUSYON AT SENATOR-JUDGES ANG NAPABALITANG DOLLAR ACCOUNTS NA WALA SA SALN NG BISE PRESIDENTE — Wise decision ang ginawa ng defense team ni Vice President Sara Duterte na huwag nang paharapin ang mga bank representatives bilang kanilang mga testigo sa Senate Impeachment Court.


Kaya natin nasabing wise decision kasi kapag naisalang na ang mga ito (bank managers) ay dahil under oath, hindi magsisinungaling ang mga ito kapag inungkat ng prosekusyon at mga senator-judges ang sinasabing may mga dollar accounts daw si VP Sara.


‘Ika nga, kung itinuloy ng depensa na isalang sa impeachment court ang mga bank representatives ay baka mas lalong madiin sa isyung hidden wealth o ill-gotten wealth na hindi naideklara ni VP Sara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) period!


XXX


MALABO NANG MAKABOTO SI SEN. ESTRADA SA IMPEACHMENT CASE NI VP SARA KASI NI-REJECT NG SANDIGANBAYAN ANG HIRIT NIYANG IBASURA ANG SUSPENSION SA KANYA — Ni-reject ng Sandiganbayan ang hirit ni Sen. Jinggoy Estrada na ibasura ang ipinataw sa kanyang 90-day preventive suspension.


Kung napagbigyan ang hirit ni Sen. Estrada, sa araw ng botohan sa impeachment case ni VP Sara ay puwede siyang humirit uli sa Sandiganbayan na pansamantalang makalabas ng kulungan para magtungo sa Senado at makaboto, pero dahil tablado ang kanyang hirit, wala na siyang dahilan para makahirit na makalabas ng selda para makaboto kasi nga, suspendidong senador siya, boom!


XXX


DAPAT ORDINANSA NG CEBU CITY COUNCIL ANG LAGYAN NG AIRCON ANG MGA SILID-ARALAN PARA HINDI MAINITAN ANG MGA ESTUDYANTE AT HINDI 'YUNG PAPASUKIN NG MADALING-ARAW ANG MGA BATANG MAG-AARAL — Naputakti nang batikos ang Cebu City Council sa resolusyon nilang gawing madaling-araw ang pasok ng mga estudyante upang hindi raw maranasan ng mga ito ang init ng panahon ngayon, tagtuyot o El Niño.


Mababatikos talaga kasi ang madaling-araw ay kasarapan pa ng tulog ng mga batang estudyante, tapos gigisingin para pumasok sa eskwela.


Kung ang ginawa ng City Council ay nagpasa sila ng ordinansa na lagyan ng Cebu City LGU ng aircon ang bawat silid-aralan, tiyak na pinupuri sila ng publiko at hindi naba-bash ngayon, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page