top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Digong, ‘di alam na may impeachment vs. Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 7, 2026



Rodrigo at Sara Duterte - OVP Media

Photo: OVP Media



Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na hindi niya ipinaalam sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa mga usapin ng posibleng impeachment at mga nangyayari sa House of Representatives.


“Kasi sa tingin ko, hindi na niya kailangan malaman ang mga ganyan na klase na bad news. Kasi wala rin naman ‘yung value sa kanya. Nandoon naman siya sa loob. Ang mangyayari lang dun ay mag-iisip siya. Tapos mag-overthink siya. Siya lang mag-isa.”


Dagdag pa ng Bise, mas makabubuting ituon na lamang ng ama ang pansin sa mga positibong bagay kaysa sa mga negatibong isyu sa pulitika.


“Hindi siya karapat-dapat para sa isang 81 year old. Dapat ang alam lang niya ay ‘yung mga happy na mga bagay. Lalo pati nag-iisip tayo na baka nga d’yan siya bawian ng buhay sa loob. D’yan siya mamatay sa loob ng detention.”



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page