DIEGO, BAD TRIP NA INUNAHAN NG IBA NA MAGLABAS TUNGKOL SA BABY GIRL
- BULGAR
- Nov 21, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | November 21, 2023

Nai-share ni Diego Loyzaga kay Toni Gonzaga ang pagkainis na inunahan siyang i-announce ang pagkakaroon ng baby girl.
“Annoying” pa nga ang sabi ni Diego nang ma-interview sa vlog ni Toni na Toni Talks.
“That was supposed to be my post. I was supposed to post, first Father’s Day or the best birthday gift ever. Kaso nga lang, inunahan ako ng isang I don’t know if she’s on tabloid [writer] or whatever in the Philippines,” ani Diego.
Hindi na matandaan ni Diego kung saan unang lumabas ang pagkakaroon niya ng baby girl at kung sino ang sumulat. Lalo sigurong nadismaya si Diego dahil pati name ng kanyang partner at mom ng baby girl niya ay nalaman ng press.
In fairness, una naming nabasa ang name ng baby girl ni Diego sa IG post ng dad niyang si Cesar Montano. Bukod sa nai-post ni Cesar, binanggit din niya ang pangalan ng apo kay Diego sa isang presscon. Ang ibang writers siguro, sa post ni Cesar kinuha ang name ng baby girl ni Diego.





Comments